Hu u, sabi ng pre-2008 self ko. Dis is me, reply ng post-2008 self ko, y? angal b u? Part 1

Kung itetext ng post-2008 sarili ko ang pre-2008 sarili ko, ang irereply siguro ng pre-2008 sarili ko ay: “hu u?”

Aminado naman ako, na binago ako ng 2008. Yung tipong pagbabago na nangyari na lang, yung hindi na inisip, yung bago ka pa nagka-wisyong isipin e andun na yung pagbabago, yung tipong pagbabagong pati sarili mo ay ginulat mo, tapos sa dulo hindi naman pala masyadong kagulat-gulat, medyo lang.

At yun pala ang pinakamasarap na pagbabago. Yung inaakap na lang.

Nagtapos nung 2008 ang Marimar at nag-umpisa naman ang Dyesebel. Mga TV show lang sila, pero binago nila ang mga paniniwala at pananaw ko. Na okey lang pala hindi masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. Na okey lang pala sumubok ng bago. Na okey lang pala magkamali, bakit sino bang nagbibilang? Na okey lang pala magdesisyon nang di pinapaputi ang buhok sa kakaisip nang malalim. Na okey lang magdesisyon nang tatlong segundo lang pinag-isipan, tapos kung mali pala ang desisyon, okey lang pala, bakit, perfect ka? Na okey lang pala. Okey lang. (TV show pa lang sila ng lagay na yan a, e pano pa kaya kung nag-anyong tao pa sila? Actually, parang okey lang.)

palawan-editTuwing nalulungkot ako, ang sarap balik-balikan ng Palawan, kung saan kami nag-taping ng pilot ng Dyesebel nung May. (Kung tatanungin siguro ako ng pinakamasayang naganap nung nakaraang taon, kahit tulog pa ako, Palawan ang isasagot ko, isi-sleepwalk ko pa. Kitam, kahit hindi pa nga tanungin e, sinagot ko na.) Ang daming tinuro sakin ng Palawan sa loob ng limang araw. Kung paano kumanta ng Eheads habang nagkukunwaring hindi pa lasing pero deep inside the esophagus naman, e hinahanap mo na ang pinakamalapit na CR, kung gaano kasarap magtrabaho nang nag-eenjoy kasi andyan lang sa tabi mo ang dagat, kung gaano kasarap ang matulog sa dalampasigan habang may nahuhulog na mga bulalakaw sa itaas, may mga ka-trabahong lasing na nag-eenglish sa likod, may mala-polvoron na buhangin sa ilalim, at may panaginip na di mo na maaalala, basta. Yung ganung saya, yun yung tipong, basta. Thank you God na lang. (To be continued.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s