Hu u, sabi ng pre-2008 self ko. Dis is me, reply ng post-2008 self ko, y? angal b u? Part 2

akosagreeceDi ko inakala na makakapunta ako sa Greece. Pero dahil mabait si God at si Direk Joyce Bernal (pati sina Ayrin, Marian Rivera at Tatay Joe, na nag-donate sa “Oplan: Isabit si Tonet sa Byaheng Greece”), paggising ko mula sa pagkahaba-habang flight, andun na ‘ko sa Santorini bilang sabit na script continuity para sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema. Sa totoo lang, hindi ganun kasaya ang karanasan sa Greece, pero nung tumigil nang mag-roll ang camera (na tilt at pan lang ang movement, dahil wala kaming dolly o mini-jib, sorry na, indie shoot lang, Greece yun e), dun nag-umpisang humiwaga ang Greece.

Tulad nung last day ng shooting at nagpaiwan kami ni Ayrin sa Oia kahit hindi namin alam kung paano kami makakabalik sa apartment dahil wala nang service at mahal naman ang taxi. Pero nagkwentuhan pa rin kami sa isa sa mga restaurants dun, umorder ng masarap na cake, kumain nang wala nang kunsumisyon dahil sa pelikula, tumingin sa Aegean Sea, hanapin ang nawawalang buwan, at bumuntung-hininga, sabay sabing, syet nasa Greece tayo, syet kumakain tayo ng cake sa Greece, syet tapos na ang pelikula, syet nasa harap natin ang Aegean Sea, syet paano tayo uuwi. Pero dahil sa hiwaga ng Santorini kapag tapos na ang shooting, nakauwi naman kami sa paraang napaka-Pinoy. Lakad. Alay-lakad.

p7181200Na sa sobrang layo, napagkwentuhan namin ang buhay-TV, Marimar, Dyesebel, si ganito, si ganun, ang ano, ang ano pa, na mga bagay na pinag-uusapan naman namin dati pero parang nun pa lang namin pinag-uusapan, na parang bago pa lang. Pag-uwi namin, may pa-last day party ang isang Pinoy dun. At kami ay naglasing-lasingan nina Direk Joyce, Ayrin at KC Concepcion habang kumakanta ng Linger, You Oughtta Know at God Bless the Broken Road. Sino’ng mag-aakala na isang araw ay makakanta ko si Alanis sa Santorini? Kahit maling akala, wala.

Sa halagang 12 Euros, nabago ako ng Greece sa pamamagitan ng Acropolis sa Athens. Dati, sa bala ng Viewmaster ko lang nakikita ang Acropolis, pero nun, nasa harap ko na, natatapakan ko na, napipiktyuran ko na. Ang sarap pala makapunta sa isang lugar na akala mo dati ay sa picture mo lang makikita. Tapos pag-uwi ko, kasama na ako sa picture.

tumbang-preso2Madalas din akong sinurpresa ni God. Pinagawa nya ako ng pangarap kong music videos ng Paramita at Silent Sanctuary (masarap palang makita ang ginawa mo sa Myx, tas kahit nakakahiya e mapapa-textbrig ka talaga para mapunta sa OPM Myx Top 10 nang mas matagal), at hinayaan din niya akong gumawa ng isang maikling kwentong pag-ibig na kunwari’y pambata (The Arrow with a Heart Pierced Through Him), at binigyan niya ko ng pampondo para gawin ang una kong short film sa loob ng dalawang taon, na salamat ay na-recognize sa Cinemanila. Tapos, biglang nag-concert pa ang Eheads. Hay, ang sarap nung ganung mga surpresa. Thank you God na lang.

Nung November, nagtapos na ang Dyesebel. Halos dalawang buwan kaming walang regular na trabaho, paraket-raket lang (bilang PA sa Luna Mystika). Biglang nagtext si Ayrin, “Tonet, bukas na tayo magpapa-tattoo ha. Txt kita kung anong oras.” Kinabukasan, pag-uwi ko, may tato na ako, alibatang Ilaya sa kanang leeg ko. Ganun pala ang ang pakiramdam ng desisyong hindi iniisip, ginagawa na lang. Hindi masakit. Sa totoo lang, masakit, pero hindi sing-sakit nang iniisip ko, na tipong mapapakapit ako sa braso ni Ayrin hanggang mamantal hanggang maiyak ako hanggang tumigil na si Juanlu sa pag-tato dahil nakakahiya na sa mga kapitbahay, nasa tapat pa naman kami ng supermarket.

Ginaganun lang dapat ang buhay, napag-isip-isip ko. Tapos na ako sa mahabang pagninilay-nilay kung paano sumaya. Sabi ko nga kay Mace, napaka-college naman nun, yung nabubuang muna ako sa kaiisip bago ako magdesisyon, ayan tuloy ang daming nasayang na luha at panahon. Nitong 2008, mas masaya ako, kahit na marami ring oras na nasaktan ako, naluha ako, nagalit ako sa sarili ko, natrato ako nang di dapat, gusto kong manapak ng tao kung pwede lang. Pwede pala yun, yung maging masaya nang di masyadong dinidibdib kung pano nangyari yun o di masyadong dinidibdib kung paano mangyayari yun.

Kasi, sa totoo lang pala, ang pagiging masaya, mangyayari’t mangyayari. Manalig ka lang.

At hayaan mo lang.#

3 Comments Add yours

  1. yoshke says:

    hala, parang engot kayong dalawa.😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s