Showbiz o non-showbiz?

“May boyfriend ka ba?” tanong sakin ng isang ka-trabaho.

“Oo,” sagot ko, na parang close kami.

At nag-follow up question siya ng isang nakaka-tiwang na follow-up question, “Showbiz o non-showbiz?”

Ha? Ano? Ano daw?, sabi ko sa sarili kong ka-close ko.

Sa sobrang pagka-tiwang ko sa tanong niya, hindi pala kinaya ng sarili kong sa sarili ko lang sabihin ang Ha? Ano? Ano daw?. Napalakas pala.

“Ang tanong ko, kung showbiz o non-showbiz yung boyfriend mo,” paglilinaw ni Ka-Trabaho.

Natahimik ako. Hindi ko na kinayang sabihin ng malakas na “oo, narinig ko, pero kahit 345,786x mo ulitin ang tanong mo, hindi pa rin kita gets”, pero magaling pala pumick-up ang mukha ko ng emosyong kailangan. Na-gets ni Ka-Trabaho ang pagka-tuliro ko kahit walang dialogue.

“Yung girlfriend ko kasi, showbiz rin,” sabi niya.

Medyo naka-recover na ako sa role kong pipi-pipihan. “Ah talaga? Artista?”

“Hindi,” pagpapaliwanag ni Ka-Trabaho, “PA (production assistant) siya sa [isang primetime show sa GMA].”

Ahhhhhhh. At pinigil ng sound effects “nyenk nyonk nyenk” na lumabas sa aking bibig.

Good for you. Nawa ay hindi mabuwag ng intriga ang inyong love team.#

2 Comments Add yours

  1. lunabertigo says:

    laptrip. panalo.

    1. ilayaonline says:

      haha, tagal na neto a. inaamag na, ngayon mo lang nabasa? hindi na napapanahon hehe. if yah know what i mean. chos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s