Ang pikon, talo; ang pikon sa bata, doble-talo

Kinuha si Rue Ann, na noo’y 4, ang kyut naming kapitbahay, bilang artista sa isang short film. Ang location, sa maingay at maligalig na playground sa Krus na Ligas, sa tabi ng kalsada. Kasama niya ang kanyang stage Mommy. Simple lang naman ang pinapagawa sa kanya. Maglalaro lang sa playground. Nung umpisa, professional pa si Rue Ann, sumusunod pa sa direktor. Ngunit nung tumagal-tagal, nag-alburuto na si Rue Ann. Ayaw nang umarte. Ayaw nang sumunod sa direktor. Ayaw tumahan at paawat. Ang gusto lang niya ay umiyak at magsisigaw at umiyak pa.

Nag-panic na si Mommy. “Sige, sabihin mo kung ano’ng gusto mo, bibilhin ko, matigil ka lang. Kendi? Softdrinks?” sabi ni Mommy.

Bahagyang tumigil si Rue Ann sa pag-iyak. Parang napaisip.

Tumingin si Rue Ann sa Mommy. “Kalapati.”

Nung hapong yun, umuwi ang kanyang mommy, hapong-hapo. Habang si Rue Ann, nakangiti. May bitbit na kalapati.

Santa Claus, lagot ka kay Rue Ann sa Pasko.

Si Liam naman, na noo’y 5 siguro, lumaking mulat sa mundo. Lalo sa mundo ng showbiz at gay lingo.

Tulad kunwari ng pechay.

Sa mundo ng showbiz at gay lingo, ang pechay ay ginagamit na termino para dun sa ibabang maselang bahagi ng mga babae.

Isang hapon, umuwi si Liam galing eskwela, tumakbo sa kanyang mommy, at ibinahagi ang kanyang bagong mahiwagang nadiskubre:

“Mommy, ang pechay pala, gulay din?”

Sabi ko na nga ba, dapat isinama ang pechay sa Bahay Kubo e.#

8 Comments Add yours

  1. kepi says:

    bwahahahhaa

  2. mace says:

    hahahahaha

  3. andreeeee says:

    benta sakin poreber yung pechay. hahaha.

  4. ilayaonline says:

    kepi: direk! hahahaha

    andreeeee: hahahahaha. tito andreeeee, bakla ka ba? hahaha

  5. ish says:

    nyahaha. oo nga no, walang pechay sa bahay kubo?!

  6. val says:

    kalapati o, lumilipad na daga?

    pero winner ang bata! umuwing may kalapati.

    saang pelikula mo ginamit to? naiintriga ako. mag-imbita ka naman sa film showing!

  7. ilayaonline says:

    hahaha. hindi ko shortfilm yun, sa orgmate ko (si kepi, turo sa comment sa taas). sige, sige. sa susunod, sabihan kita val. salamat sa pagbalik-balik dito🙂

  8. ilayaonline says:

    ish: hahaha kinanta mo ba uli? wala!! wala ring ampalaya! may favoritism ang gumawa ng Bahay Kubo! haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s