Raffle ba kamo? Eto’ng raffle

raffle kuno

Katatapos lang nun ng cast party ng Kim Sam Soon, na pinagbidahan ni Regine Velasquez.

“Ibang klase yung pa-raffle ni Regine. Sa ibang raffle diba, may premyo, tas bubunutin yung pangalan nung mananalo,” sabi ng taga-GMA Engineering na Mike na pumunta sa party. “Dun kay Regine, ikaw mismo ang bubunot ng makukuha mong premyo, kaya lahat talaga, may mauuwi.”

Hindi na ako nagulat, kasi sa cast party ng Paano Kita Iibigin, ganun din ang ginawa ni Ms. Regine sa raffle, kaya lahat may naiuwi. At hindi lang basta-bastang may naiuwi ha.

“Oo, dun nga samin, may cellphone. May Magic Sing. May flat-screen TV…” sabi ko.

“Grabe, mga bigatin talaga ang pinamigay. May mga ref. May washing machine. May rice cooker. May turbo broiler. May mga TV,” pagyayabang ni Mike. “Walang umuwing talo. Lahat panalo.”

“Ah talaga? E ano naman napanalunan mo?” tanong ko, curious lang.

“Plato.”

Ah eh. Tsong. Parang talo ka dun ah.#

5 Comments Add yours

  1. val says:

    plato! sana sosyal na plato.
    🙂

    naligaw lang po. astig ka!

  2. ilayaonline says:

    sosyal man na plato ay plato pa rin hehe. maligaw ka uli dito val!🙂

  3. Mark says:

    Buti nga may plato ka. saan ka kaya nakakita lahat may premyo. Ikaw kaya magpa raffle gaya ng ginawa ni Regine.

  4. ilayaonline says:

    oo nga naman. haha sabagay…

  5. Luna says:

    Yun na nga yung point niya nung una palang, diba Mark?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s