Bawal ma-wrong send, nakamamatay

Circa college. Nasa bahay na kami nun kung san gagawin ang maliit na org party, pero si Alberto*, parating pa lang. Si Alberto, mahal ko yun nun, pero siya, hindi ko alam. Maaaring oo, maaaring hindi, pero ako, sigurado akong mahal ko yun. Pag bata ka pa nga naman, kung maka-mahal, parang laging sigurado.

“May ipapabili ba kayo? Kasi parating pa lang si Alberto, baka pwede tayong magpabili sa kanya,” sabi ng isa.

“Pabili pa ng Coke,” sagot ng isa.

“Tsaka ng mas maraming yelo,” sabi pa ng isa pa. At nagsabi ang lahat ng mga gusto nilang ipabili kay Alberto.

Umapela ang isa, “Ang dami naman, nakakahiya naman kay Alberto. Baka hindi niya bilhin nyan, sabihin abusado tayo.”

“Edi kay Ilaya** natin ipa-text, malamang mas bilhin ni Alberto yun pag siya ang nagsabi,” sabi ng isang henyong tuso.

Sabay tukso sa akin, “Uuuuy. Pag-ibig. Pag-ibig.” Sabay kinilig naman ako. Sabay kuha ko ng cellphone nang nakangiti. Pag bata ka pa nga naman, ang babaw-babaw.

At habang ang background music ko ay ang patuloy pa rin na pagtukso ng “uuuy pag-ibig, uuuy pag-ibig” na may orchestra version pa yata sa utak ko, itinext ko na nga si Alberto:

“Uy Alberto… pabili naman ng pag-ibig.”

At na-send ko ang bwakanangsyet na pakingsyet na pestengyawa na text. Message sent. Message sent na kahit i-off ko pa ang cellphone ko, sigawan, murahin nang malakas, at ibato sa sahig, ay isang bwiset na message sent pa rin. At dun mismo, nilamon ako ng mainit na lupa ng Quezon City at isinukang muli.

Hindi siya nag-reply.#

*pangalan ay iniba upang maprotektahan ang pagkatao
**pangalan ay medyo iniba lang upang maprotektahan ang pagkatao ko nang mga two minutes

7 Comments Add yours

  1. Julius (oo ako nga) says:

    Bakit kaya natatawa ako kahit pakiramdam ko hindi ako dapat matawa dito? hahahaaaaaayyyy!!!

  2. ilayaonline says:

    Julius, ikaw nga. haha.

    Go, matawa ka. pagkat yan ay college pa. pwede nang tawanan. so, like, three years ago? hahaha. (o baka naman may naalala ka mula s akaibuturan ng esophagus mo?)

  3. kepi says:

    hahahahaha shet naalala ko ito!!! i was there i was there! hahaha.

  4. ilayaonline says:

    bwahahahahahaha i hate you!!! hahaha

  5. val says:

    omaygad, marami-rami din akong ganyan.
    😦

    pero in fairness, tumatatag ka dahil dito.🙂

  6. ilayaonline says:

    ako ang reyna ng wrong send. kung talagang nakakatatag yan, nako, subukan nyo ko. hehe.

  7. Kizzel Mina says:

    Haha! Ngayon ko muling nasubukan ang tinatawag nilang…LOL! 😂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s