Eheads Reunion

Hindi ko alam kung paano ko ito isusulat nang hindi ako napapatulala. Hindi ko alam.

Nagsimula ang countdown sa 10:00. Ang tagal pala ng sampung minuto, bakit kapag nag-su-snooze ako ng alarm, parang five minutes lang? Nung dumating na sa wakas ang 1:00, ang pakiramdam ko e parang yung itinataas ako sa Space Shuttle at hinihintay ko na lang yung hudyat na mahuhulog na ‘ko. Ang lamig sa katawan, parang umabnormal yung heartbeat ko, kung may heartbeat pa ako. (Kung wala na, may mga medical team naman daw na nakapaligid sabi ni Announcer for the nth time.)

At natapos ang isang minuto, at nagsimula ang maiksing picture montage. At biglang narinig ko ang introng pamilyar–ten ten ten ten tenetenten ten ten ten ten tenenenten maaay. At nagliwanag ang stage. At lumabas silang apat. At nakita ko si Ely. At nakita ko sila.

Ang Eraserheads.

At ako? Ako ay nawala.

Hindi ko inakalang ganun pala ang pakiramdam. Higit pa sa inakala kong saya. Higit pa sa inakala kong pagtalon. Sa inakala kong pagsigaw. Sa inakala kong paghabol sa hininga. Sa inakala kong pagsabay sa kanta. May tamang salita dyan. Suryal.

At mula dun, hindi na ako naalis sa ka-suryalan–mula Alapaap hanggang Sembreak hanggang Huwag Mo Nang Itanong hanggang Ligaya hanggang Kailan hanggang Hey Jay hanggang Toyang hanggang mga kantang hindi ko alam ang buong lyrics.

Sabhin mo sa akin: Gaano kasarap marinig ang Alapaap na kantahin nang sabay-sabay ng libu-libong mga tao na parang isinulat yun ni Ely para sa bawat isa satin? O ang Kailan sabay taas ng kamay nang pakanan at pakaliwa? Gaano kasarap kantahin ang With a Smile kasabay si Ely habang nakangiti dahil may naaalala? O ang paghaya kay Ely na kantahin ang “naaalala kita pag umuulan” dahil alam mong hahayaan ka niyang kantahin ang “sembreak”? O ang Toyang habang sumisigaw ng “pero pero pero malinis ‘to / pati sa kusina” nang buong gilit sa leeg? Gaano kasarap kantahin ang Harana habang tumatalon kasabay ang katabi mong hindi mo naman kilala? O  ang pumalakpak sa dulo ng bawat kanta na tunog-“maraming, maraming salamat” na totoong galing sa puso? Gaano kasarap? Walang kasing-sarap.

At ngayon, napapatulala na naman ako. At hindi pa rin makapaniwala.

Pasensya na, kung ako ay naluluha, mababaw lang talaga ang luha ko.

Kung kinanta rin sana nila ang Minsan (maiiyak ako, lalo sa “minsan tayo ay naging / tunay na / magkaibigan”, dahil para sa inyo yun, Ely) at Para sa Masa (maiiyak ako, dahil para sa amin yun, lalo na sa “naaalala nyo pa ba / binigyan namin kayo ng ligaya?”, dahil hindi ako makakalimot, Ely), baka hindi ko na matapos ito.

At pagdating ng araw na maririnig kong kantahin at tugtugin nina Ely, Raimund, Markus at Buddy iyon sa harap ko, kasama uli ang libo-libo mga taong kilala at hindi ko kilala, hindi ko mapapangako na malalaman ko na nun kung paano isulat yun nang hindi napapatulala.

Ganun nga siguro kapag pinipilit mong isulat nang tunay ang isang bagay na suryal.

Hindi ka nagtatagumpay.#

15 Comments Add yours

  1. incommunicative says:

    Ngumingiti parin ang puso ko❤

  2. ilayaonline says:

    at masakit ang lalamunan ko at nilalagnat ako. ibang klase, ibang klase. suryal.

  3. yoshke says:

    wasnt there. wish i were.

  4. ilayaonline says:

    alam mo yung sinasabi nilang “you missed half of your life”, ngayon ko lang masasabi na totoo yun sa eheads concert kung hindi mo napanood. then again, there’s always youtube, so you missed only a quarter hehe🙂 may part2 daw, sama ka na, wag ka na umuwi sa batangas kasi no.

  5. lunabertigo says:

    sa sobrang sama ng loob ko, gusto kong magpainom. sana di na alng pala ako naging praktikal at umastang ‘grown up’ at pinili ang magkaron ng bahay. ayan. pagod na akong magsisi. wah. tonet, ituloy na natin. paglipat ko. (grin)

  6. ke says:

    pinapanood ko uli sa youtube yung soncert kagabi. grabe, naluluha ako nung pinanood ko uli yung intro na alapaap. ANG GALENG. super saya ng mga tao. enjoy na enjoy. everyone was singing to the lyrics of the song. grabe. grabe talaga. suryal talaga tonet. can’t get over it.

  7. Doms says:

    I know what are you talking about….. ako nga eh sobra tlga akong napahanga ni Ely….khit may nararamdaman n pla sya tuloy tuloy sya just for the sake ng mga masang nanunuod n mapligaya lng mga taong sumusubaybay…Khit p sbihin di natpos sulit p rin ang luohet tlga nila astig..buti n lng nakapanood kmi ng malapitan…yun di nsyang ang pagod at pawis ko s apanonood nitoo.. Thanks Ely tnx E heads…..

  8. madge says:

    hindi kita kilala pero ganung ganun ang nafeel ko habang nasa concert, grabe ang sarap ng feeling noh? as in…sana okay na si ely para sana maulit ang concert..sana talaga!

  9. jungzx says:

    I teared up reading your blog. NOT such a failure.🙂
    And I wasn’t even there! (I wish I was.)

    Wala na kong masabing iba kundi… WOW.🙂

  10. ilayaonline says:

    lunabertigo: ay kapalit ba nun ay bahay? ok laaaaaaang sayaaaaaaaaang. makakapagipon ka lagi sa bahay pero hindi mo masasabihan ang eheads na magconcert lagi. NGUNIT. maswerte ka, itutuloy nila yun para sa’yo.

    KE: mga panahong ito, salamat talaga sa youtube.

  11. ilayaonline says:

    Doms:🙂 Salamat Doms. TAMA KA. ako talaga, hindi ako nasayangan. kapag tinatanong ako kung nabitin ba ako, ang sagot ko lagi, malutong na HINDI. umpisa pa lang solb na ko. Salamat kay Ely, astig ka. Astig kayo.

    Madge: Salamat madge.. Mauulit ang concert, pero sana hindi muna agad. Magpagaling muna si Ely hanggang parang bago na uli ang puso niya. Para makanta niya ang Para sa Masa at Minsan nang hindi tumitigil at humihingal.

    Jungzx: Salamat sa comment. Naiyak din ako nang maraming beses sa panonood ng mga videos… E pano pa kaya kung andun ka? Manood ka na sa susunod!

    fritzified.com: Salamat sa pagbanggit. Mabuhay si Ely, ang Eheads at ang mga taong naiiyak dahil sa kanila.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s