Gaga lang

Ang kagagahan, walang pinipiling edad. Ang pagka-inis sa sarili dahil sa kagagahang yun, yun ang may pagka-choosy.

Nung ten ako, nag-volunteer akong bantayan ang sari-sari store namin. Pakiramdam ko, kahera ako sa SM na magaling sa math. May bumiling mama, magkano raw yung Ligo na sardinas. Tinignan ko yung de lata; walang nakasulat na presyo. Tinignan ko yung mga papel sa gilid; wala ring price list. Tinignan ko hanggang dulo ng utak ko; bobo rin siya sa presyong sardinas. Dahil kahera-kaherahan ng SM ako, sinabi ko sa sarili ko: alam mo dapat ang presyo, wag ka magtanong, nakakahiya. Na-peer pressure ako ng aking utak, at ayun, nagpaka-matalino ako kahit wala akong ideya kung magkano ang isang Ligo. “Dalawang piso po ang isa.” Nung nakita kong nagulat ang kunot na noo nung mama, alam ko nang may mali sa sinabi ko-at na mas matalino yung mama kaysa sakin. “Sige, bibilhin ko lahat.” At naiyak na lang ang nanay ko nung nalamang naubos ang sardinas namin sa halagang P24 lang. Pasensya, ten years old lang. Chikadees at Bazooka po ang specialty ko, hindi kumplikadong mga bilihin.

Ngayong hindi na ako ten, minsan ay nag-aastang matalino sa math na kahera pa rin ako sa SM na naiisahan ng buhay. Yun nga lang, ang mga kagagahan ko ngayon ay hindi na nakukuha sa pa-sorry-sorry lang, dahil hindi na sa nanay nakaukol ang patawad na iyon, kundi sa sarili. E ang sarili ko pa naman, may pagka-nanay din, na walang awa at kunsiderasyon nga lang. Ang tanda-tanda mo na, pumapalpak ka pa rin? Pasensya, gaga lang.

Ang kagagahan pa naman, mahirap makinita at matanggap agad ng sarili. Gaga na nga, aaminin ko pa? Ayoko ngang maging redundant.

Siguro, ang dapat kong matutunan ay ang tumanggap ng sorry mula sa sarili. Na gaya ng ten-year old kong sarili na nag-astang matalinong kahera, lilipas rin yun. Si Experience, close na kami, hindi pa naniningil, i-cha-charge ko pa uli ito sa kanya. Sabay ngiting naka-taas-noo, sabay sabi:

Hanggang sa susunod na kagagahan.#

3 Comments Add yours

  1. imace says:

    Una kong binasa yung “Friends”. Tapos eto.

    Naalala ko yung katangahan kong na-scam ako. Sa sobrang di ko matanggap na ang tanga tanga ko, nang-scam ako ng iba. (Pero hindi sapat para makabawi.)

    Napaisip tuloy ako. Kala ko ba, gago lang ang ginagago ko.

  2. ilayaonline says:

    Yan ang tinatawag na pay it forward.

  3. Kristyl says:

    Iba eh. Ang ganda lang! Galing ng pagaka describe. Gusto ko na tuloy maging/ipagpatuloy/hindi-matapos gaga/ang maging gaga/kagagahan!

    🙋🏻 sulat ka pa Direk! ⚓️

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s