Friends

May kaibigan akong nagpa-tato. Tinanong ko siya kung masakit ba. Tinanong din niya ako: Malungkot ka ba? Kasi kung malungkot daw ako o nasasaktan, hindi masakit, hindi ako masasaktan. Kaya nung nagpa-tato ako, hindi pala masakit, sabi niya. Tinanong niya ako kung kelan ko gusto magpa-tato, sabihan ko raw siya. Magpapa-tato raw siya ulit. Ang hindi ko alam ay kung ngayon, masasaktan na siya.

May kaibigan akong tumawag sa’kin isang mapayapang hapon. Nung sinagot ko ang cellphone, narinig ko siya sa kabilang linya, umiiyak. Ang dami niyang sinasabi, pero ang naintindihan ko lang: Niloko niya ko, niloko niya ko. Sabi ko: Ha? Ano? Ipinaliwanag niya, ang dami niya uling sinabi, pero ang naintindihan ko lang uli: Niloko niya ko. At yun lang yata ang kailangan kong maintindihan. Sabi ko sa kanya, ilang beses na siyang nasaktan nun. Itigil na niya. Umalis na siya, para naman sa sarili niya. Sabi niya, oo nga raw, sawa na siya, sobra na siyang nasaktan. Binaba niya ang teleponong galit at umiiyak pa rin. Pagkatapos ng tatlong linggo, sila na ulit.

May kaibigan akong kasama ko sa isang souvenir shop sa Cebu. Dahil marami kaming bibilhin, humingi kami ng discount sa tindera. Oo raw, sabi niya. Kumuha kami ng ref magnet, keychain, dried mangoes, piyaya, figurines, tshirts, banig. Nung babayaran na namin, ibang klaseng discount ang binigay samin ni ate: ang keychain na P23.50 ay ginawa niyang P25, ang mga tig-P35 ay hindi niya ginawang 3 for 100, ang mga kahit 50c lang na sobra ay hindi pa ginawang discount. Kinausap namin si ate, pero parang hangin lang ang kausap namin-mandurugas na hangin. Bago kami umalis, kumuha ang kaibigan ko ng dalawang ref magnets at ibinulsa. Inabot niya sa’kin ang isa. Sabi ko, huy shoplifting yan. Sabi niya, ok lang yan. Gago lang ako sa mga taong gago rin sakin. Natutuwa ako na sa tagal ng pagkakaibigan namin, hindi pa niya ako ginagago.

May kaibigan akong minahal ko. Masaya akong minamahal ko siya (at siguro, minamahal din niya ako), pero sa dulo, nasaktan ako. Nasaktan ako bilang isang nagmamahal na nasaktan, at bilang isang nagmamahal na nasaktan ng isang kaibigan. At iyon pala ang sakit at galit na walang singsakit. May isa pa akong kaibigan na minahal ako. Masaya akong minamahal niya ako, at sa dulo, minahal ko rin siya. Masaya ako bilang isang nasaktan na minahal uli, at bilang isang nasaktan na minahal uli ng isang kaibigan. Kaibigan ko pa rin sila hanggang ngayon. Nalaman ko, na ang pinakamasakit at pinakamasarap na pagmamahal ay yung galing sa isang kaibigan.

Mapa-pagmamahal na higit pa sa kaibigan o pang-kaibigan lang.#

6 Comments Add yours

  1. lunabertigo says:

    putangina. kaibigan. ka-ibigan. pero pano, kung parehong hindi na.

  2. ilayaonline says:

    haha gaga ka. maging masaya na lang. at ngumiti sa mga bagong mangyayari.

  3. imace says:

    🙂

    hindi ganito yung inexpect ko nung nabasa ko yung title. asteeg.

  4. ilayaonline says:

    salamat🙂 akala mo tungkol kina rachel at ross?

  5. imace says:

    kala ko yung normal na “i have awesome friends” hehehe

  6. ilayaonline says:

    ang haba nun, at oo nga, normal hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s