Tatay

Habang hinihintay ma-set up ang isang eksena sa pelikula ni KC Concepcion at Richard Gutierrez (For The First Time), nilapitan ako ni Kuya Rommel, film loader at clapper namin. Inabot niya sa’kin ang cellphone niya. Iplinay niya ang isang video, sabay sabi, “Anak ko.”

Sa video, may isang bata, siguro may anim na buwan na, ang nasa isang kuna at paulit-ulit na umuupo’t tayo habang yakap ang isang dilaw na unan. Tinignan ko ang TRT (total running time) ng buong video: 00:03:08.

Pagkalipas ng isang minuto, ang bata sa kuna, paulit-ulit pa ring umuupo’t tayo sa kuna habang yakap ang unan. Ang hula ko, anim na buwan pa rin siya.

Pagkatapos ng isa pang minuto, ang bata sa kuna, aba, hanep, umuupo’t tayo pa rin sa kuna. Oo, akap pa rin ang unan. At anim na buwan pa rin naman siguro.

Natapos ang video na anim na buwan pa rin ang bata, umuupo’t tayo pa rin sa kuna, at yakap ang dilaw na unan.

Nung ibinalik ko kay Kuya Rommel ang cellphone, nakangiti siya, sabay sabi, “Ang galing no?” Sabay kalikot muli sa cellphone.

Gusto ko sanang sabihin, “Kuya Rommel, sigurado ako, bago ako natutong tumayo, tumayo ng matagal sa pila sa MRT, umupo, umupo sa sulok habang natutulog, e nagpa-tayo’t upo rin ako ng maraming beses sa kuna ko nung anim na buwan pa lang ako, baka no hands pa kamo.” Yun nga lang, wala pang cellphone nun para ma-prove ang aking point.

Pero bago ko pa masabi yun, inabot uli ni Kuya Rommel ang kanyang cellphone, sabay play ng isa pang video. TRT 00:02:23. “Anak ko, tignan mo, ngingiti yan.”

Awa ng diyos, ngumiti naman.#

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s