h1

Hu u, sabi ng pre-2008 self ko. Dis is me, reply ng post-2008 self ko, y? angal b u? Part 2

January 30, 2009

akosagreeceDi ko inakala na makakapunta ako sa Greece. Pero dahil mabait si God at si Direk Joyce Bernal (pati sina Ayrin, Marian Rivera at Tatay Joe, na nag-donate sa “Oplan: Isabit si Tonet sa Byaheng Greece”), paggising ko mula sa pagkahaba-habang flight, andun na ‘ko sa Santorini bilang sabit na script continuity para sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema. Sa totoo lang, hindi ganun kasaya ang karanasan sa Greece, pero nung tumigil nang mag-roll ang camera (na tilt at pan lang ang movement, dahil wala kaming dolly o mini-jib, sorry na, indie shoot lang, Greece yun e), dun nag-umpisang humiwaga ang Greece.

Tulad nung last day ng shooting at nagpaiwan kami ni Ayrin sa Oia kahit hindi namin alam kung paano kami makakabalik sa apartment dahil wala nang service at mahal naman ang taxi. Pero nagkwentuhan pa rin kami sa isa sa mga restaurants dun, umorder ng masarap na cake, kumain nang wala nang kunsumisyon dahil sa pelikula, tumingin sa Aegean Sea, hanapin ang nawawalang buwan, at bumuntung-hininga, sabay sabing, syet nasa Greece tayo, syet kumakain tayo ng cake sa Greece, syet tapos na ang pelikula, syet nasa harap natin ang Aegean Sea, syet paano tayo uuwi. Pero dahil sa hiwaga ng Santorini kapag tapos na ang shooting, nakauwi naman kami sa paraang napaka-Pinoy. Lakad. Alay-lakad.

p7181200Na sa sobrang layo, napagkwentuhan namin ang buhay-TV, Marimar, Dyesebel, si ganito, si ganun, ang ano, ang ano pa, na mga bagay na pinag-uusapan naman namin dati pero parang nun pa lang namin pinag-uusapan, na parang bago pa lang. Pag-uwi namin, may pa-last day party ang isang Pinoy dun. At kami ay naglasing-lasingan nina Direk Joyce, Ayrin at KC Concepcion habang kumakanta ng Linger, You Oughtta Know at God Bless the Broken Road. Sino’ng mag-aakala na isang araw ay makakanta ko si Alanis sa Santorini? Kahit maling akala, wala.

Read the rest of this entry »

h1

Hu u, sabi ng pre-2008 self ko. Dis is me, reply ng post-2008 self ko, y? angal b u? Part 1

January 30, 2009

Kung itetext ng post-2008 sarili ko ang pre-2008 sarili ko, ang irereply siguro ng pre-2008 sarili ko ay: “hu u?”

Aminado naman ako, na binago ako ng 2008. Yung tipong pagbabago na nangyari na lang, yung hindi na inisip, yung bago ka pa nagka-wisyong isipin e andun na yung pagbabago, yung tipong pagbabagong pati sarili mo ay ginulat mo, tapos sa dulo hindi naman pala masyadong kagulat-gulat, medyo lang.

At yun pala ang pinakamasarap na pagbabago. Yung inaakap na lang.

Nagtapos nung 2008 ang Marimar at nag-umpisa naman ang Dyesebel. Mga TV show lang sila, pero binago nila ang mga paniniwala at pananaw ko. Na okey lang pala hindi masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. Na okey lang pala sumubok ng bago. Na okey lang pala magkamali, bakit sino bang nagbibilang? Na okey lang pala magdesisyon nang di pinapaputi ang buhok sa kakaisip nang malalim. Na okey lang magdesisyon nang tatlong segundo lang pinag-isipan, tapos kung mali pala ang desisyon, okey lang pala, bakit, perfect ka? Na okey lang pala. Okey lang. (TV show pa lang sila ng lagay na yan a, e pano pa kaya kung nag-anyong tao pa sila? Actually, parang okey lang.) Read the rest of this entry »

h1

Showbiz o non-showbiz?

November 24, 2008

“May boyfriend ka ba?” tanong sakin ng isang ka-trabaho.

“Oo,” sagot ko, na parang close kami.

At nag-follow up question siya ng isang nakaka-tiwang na follow-up question, “Showbiz o non-showbiz?”

Ha? Ano? Ano daw?, sabi ko sa sarili kong ka-close ko.

Sa sobrang pagka-tiwang ko sa tanong niya, hindi pala kinaya ng sarili kong sa sarili ko lang sabihin ang Ha? Ano? Ano daw?. Napalakas pala.

“Ang tanong ko, kung showbiz o non-showbiz yung boyfriend mo,” paglilinaw ni Ka-Trabaho.

Natahimik ako. Hindi ko na kinayang sabihin ng malakas na “oo, narinig ko, pero kahit 345,786x mo ulitin ang tanong mo, hindi pa rin kita gets”, pero magaling pala pumick-up ang mukha ko ng emosyong kailangan. Na-gets ni Ka-Trabaho ang pagka-tuliro ko kahit walang dialogue.

“Yung girlfriend ko kasi, showbiz rin,” sabi niya.

Medyo naka-recover na ako sa role kong pipi-pipihan. “Ah talaga? Artista?”

“Hindi,” pagpapaliwanag ni Ka-Trabaho, ”PA (production assistant) siya sa [isang primetime show sa GMA].”

Ahhhhhhh. At pinigil ng sound effects “nyenk nyonk nyenk” na lumabas sa aking bibig.

Good for you. Nawa ay hindi mabuwag ng intriga ang inyong love team.#

h1

Please allow me to rant in English

November 18, 2008

I feel soooo bad that I missed the deadline of this year’s Gawad CCP for Alternative Film and Video. Argh! I was waiting for their December call for entries (they always announce it on that month) so I can submit my short film Tumbang Preso, have its screening in January in CCP’s Little Theater, then pray for luck at their late-January awarding ceremonies.

But I missed the deadline. Because they decided to hold the Gawad CCP earlier than usual. And there were no emails from any film e-group calling for Gawad CCP entries at all. Argh. Now I have to wait for another two years for the next Gawad CCP (it’s biennial).

Argh.

Sorry na kung brat. Gawad CCP yun e.#

h1

Abiso

November 17, 2008

Bigyan mo ako ng abiso
kapag mawawala ka na
upang mapaniwala ko na
ang sarili kong
hindi na kita mahal

pala.

h1

Parhvarosmsti sivcher v skuphlign, and you’re welcome

November 16, 2008

Pagbukas ko ng aking inbox, sa paligid ng mga mensahe galing sa Canada, sa QC at iba’t ibang e-groups, may tumambad na kakaibang email, na naglalaman ng ilang mga characters na wala sa keyboard ko:

“Poglej me (Regarde-moi) ujame 24 ur v pariškem predmestju Colombes in sicer z dveh zornih kotov – pogled odraščajočih deklet na eni in odraščajočih fantov na drugi strani. Oba pogleda vendarle temeljita v skupnih izhodiščih družbene zaznamovanosti. Film mlade francoske režiserke Audrey Estrougo bo predvajan v.”

Kapag hindi na ako tinatamad, pupuntahan ko ang Babel Fish translator upang magkaintindihan tayo. Pero sa ngayon, sir, kung anuman ang sinabi mo, sige na nga, I love you too.#

h1

Kwentong Pag-ibig 1: Pagkahaba-haba man ng prusisyon, teka nakalimutan ko kung saan papunta

November 15, 2008

Matagal nang mahal ni Dino si Issa. At ngayong gabi, sa wakas, sasabihin na niya sa kanya. Bago pa man sila magkita, pinaglamayan na ni Dino ang pag-iisip sa kanyang sasabihin at kung paano niya sasabihin ang simpleng “mahal kita”. Hindi natin siya masisisi. Hindi madaling sabihin yun sa babaeng halos apat na taon na niyang mahal, na nagkataon ay “best friend” (kung anuman ang ibig sabihin nun) pa niya. Kaya kinailangan niyang isulat sa papel, magbura, magdagdag, magsulat uli, basahin ng malakas, at basahin muli. Hanggang alam na niya kung ano at paano sasabihin ang simpleng “mahal kita”.

Kinabukasan, dumating na ang gabing pinagkahandaan at pinagkapuyatan ni Dino. Nag-aabang na siya sa Sunken Garden nang mula sa malayo pa lang ay nakita na niya si Issa na paparating. Papalapit sa kanya, nakangiti. At nakangiti rin niyang sinundan ng tingin habang pinapraktis pa rin sa utak ang mahabang naisulat niya kagabi. Na para kay Issa na ngayo’y nakaupo na sa tabi niya.

“O, ano na yung sasabihin mo?” tanong ni Issa.

At si Dino, napatingin lang.

Wala siyang nasabi.#

*photo courtesy of http://farm3.static.flickr.com/

h1

Ang pikon, talo; ang pikon sa bata, doble-talo

November 2, 2008

Kinuha si Rue Ann, na noo’y 4, ang kyut naming kapitbahay, bilang artista sa isang short film. Ang location, sa maingay at maligalig na playground sa Krus na Ligas, sa tabi ng kalsada. Kasama niya ang kanyang stage Mommy. Simple lang naman ang pinapagawa sa kanya. Maglalaro lang sa playground. Nung umpisa, professional pa si Rue Ann, sumusunod pa sa direktor. Ngunit nung tumagal-tagal, nag-alburuto na si Rue Ann. Ayaw nang umarte. Ayaw nang sumunod sa direktor. Ayaw tumahan at paawat. Ang gusto lang niya ay umiyak at magsisigaw at umiyak pa.

Nag-panic na si Mommy. “Sige, sabihin mo kung ano’ng gusto mo, bibilhin ko, matigil ka lang. Kendi? Softdrinks?” sabi ni Mommy.

Bahagyang tumigil si Rue Ann sa pag-iyak. Parang napaisip.

Tumingin si Rue Ann sa Mommy. “Kalapati.”

Nung hapong yun, umuwi ang kanyang mommy, hapong-hapo. Habang si Rue Ann, nakangiti. May bitbit na kalapati.

Santa Claus, lagot ka kay Rue Ann sa Pasko.

Si Liam naman, na noo’y 5 siguro, lumaking mulat sa mundo. Lalo sa mundo ng showbiz at gay lingo.

Tulad kunwari ng pechay.

Sa mundo ng showbiz at gay lingo, ang pechay ay ginagamit na termino para dun sa ibabang maselang bahagi ng mga babae.

Isang hapon, umuwi si Liam galing eskwela, tumakbo sa kanyang mommy, at ibinahagi ang kanyang bagong mahiwagang nadiskubre:

“Mommy, ang pechay pala, gulay din?”

Sabi ko na nga ba, dapat isinama ang pechay sa Bahay Kubo e.#

h1

Raffle ba kamo? Eto’ng raffle

October 23, 2008

raffle kuno

Katatapos lang nun ng cast party ng Kim Sam Soon, na pinagbidahan ni Regine Velasquez.

“Ibang klase yung pa-raffle ni Regine. Sa ibang raffle diba, may premyo, tas bubunutin yung pangalan nung mananalo,” sabi ng taga-GMA Engineering na Mike na pumunta sa party. ”Dun kay Regine, ikaw mismo ang bubunot ng makukuha mong premyo, kaya lahat talaga, may mauuwi.”

Hindi na ako nagulat, kasi sa cast party ng Paano Kita Iibigin, ganun din ang ginawa ni Ms. Regine sa raffle, kaya lahat may naiuwi. At hindi lang basta-bastang may naiuwi ha.

“Oo, dun nga samin, may cellphone. May Magic Sing. May flat-screen TV…” sabi ko.

“Grabe, mga bigatin talaga ang pinamigay. May mga ref. May washing machine. May rice cooker. May turbo broiler. May mga TV,” pagyayabang ni Mike. “Walang umuwing talo. Lahat panalo.”

“Ah talaga? E ano naman napanalunan mo?” tanong ko, curious lang.

“Plato.”

Ah eh. Tsong. Parang talo ka dun ah.#

h1

Walang permanente sa mundo, tattoo lang

October 14, 2008

Magpapa-tato dapat ako bukas. “Ilaya” na alibata sa bandang likod ng tenga. Pero hindi na. Hindi na muna.

“Bakit ka ba magpapa-tato ngayon?” tanong sakin ni Glenn. Halatang medyo naiirita dahil sa biglaan kong pag-isked na magpa-tato.

“Wala, gusto ko lang,” sabi ko. “E magpapa-tato naman talaga ako sa buong buhay ko e, hindi ko nga lang alam kung kelan.”

“E bat nga ngayon?” sabi ni Glenn. Relax Glenn, chill.

“Ewan.” Napatahimik ako. “Sabi ko dati, papa-tato ako kapag may milestone buhay ko.”

“O e ano’ng milestone ngayon?”

Gusto ko sanang sabihin, “wala”, pero ang rhetorical question, kapag sinagot mo, may tanga. Kapag sa inis mo pa sinagot yun, doble tanga, may taas-kilay pa.

“Feeling ko kasi parang urge mo lang yan ngayon e. Parang pottery, parang glassblowing, parang streetdance,” sabi ni Glenn.

“Sige sige, maghihintay na lang ako ng milestone, kung anuman yun.”

“Edi mas masarap yung tato.”

Parang ang sarap nga isipin nun. May punto ka Glenn. Nagsalita uli ako, “Magpapa-tato ako kapag magawa ko na yung first film ko. Full-length ha.”

“O sige ba,” sang-ayon naman siya. “Ako, magpapa-tato kapag ma-publish ko na ang unang libro ko.” Inextend nya sakin ang kanang kamay nya. “Deal?”

Kinabahan ako dun a. “Ehh… Pano kung 50 years old na ko makagawa ng first film ko?”

“Edi 50 years old ka magpa-tato!”

“O sige.” Napalunok ako dun a, pero kinamayan ko na rin siya. “Deal.”

Glenn, two years from now, may tato na ko. Itaga mo yan sa bato.

I-tato mo pa kamo.#