Ilaya Ilaya


“Inspiration is for amateurs; the rest of us just show up and get to work.” — Chuck Close
June 26, 2011, 12:54 am
Filed under: Today I learned not much really | Tags: , , ,

This is going to be short but sweet: Log out of Twitter now and visit the amazing, amazing design “blog/studio” SwissMiss and be inspired. I know I was.

the nightstand reinvented

the talk-o-meter that “monitors voice conversations to show who is dominating and who is wallflowering”

very cool floor stickers that the city of Lucerne, Switzerland used
to get people throw their trash where they should be thrown



She’s vegan, she’s pescetarian, and I don’t eat rice


I had an accidental lesson today on vegetarianism when I read my friend Mace’s blog. I already know what a vegetarian is, but for the longest time, I thought vegan was just short for vegetraian. (I didn’t know until fourth grade that “applaud” is the verb form of “applause” until my English teacher encircled the word on my essay using bold red ink. I get it Ms Vendiola, I was just grammatically incorrect but I’m not blind.) I think this is what Oprah called the “lightbulb moment”, but the kind you just keep to yourself, eh? Well, I learned that a vegan actually excludes eating all animal products, including milk, eggs, honey, and also does not use animal products like leather bags. A pescetarian eats fish and seafood but not meat. Mace says she’s been a pescetarian since January, while her roommate’s been vegan for a year after being a vegetarian for several years. I eat beef, chicken, fish, seafood, and eggs. Now I feel so heartless beside them, and fatter too.

I’ve stopped eating rice for over a month now since my friend Randy swore he lost weight by doing just that, plus “a little” exercise. I wonder if there’s a special term for people who don’t eat rice. I googled it and hey, I found one.

Crazy Asian.#



I’m on Facebook, I’m now living a full life, wow, wait I have to tell my 1,235 friends about it

Bago kunan ang isang eksena sa BFGF, nag-tsikahan muna ang mga artistang bagets.

“Napanood nyo na ba sa Facebook yung video nung nabiyak yung mukha?” sabi ni Bagets1.

“Ay oo, yun yung naghaharutan sila sa beach tapos tumama siya sa rock?” sagot naman ni Bagets2.

“Nabuhay pa nga ata yun e, weird,” sabi ni Bagets3.

“E napanood nyo rin sa Facebook yung labas na yung bituka nya tapos kinakamot pa niy yung tiyan nya?” excited na kwento ni Bagets2.

“Sira, hindi nagkakamot yun,” sabi ni Bagets4, “pinapakiramdaman lang nya yung tiyan nya.” Sabay tawanan silang lahat na bagets.

Biglang naisip ko na lang, ba’t yung Facebok ko puro mga hayop at nagpapaluang unan lang ang laman?

Bukod sa mga makabuluhang update tungkol sa kinain nila nung lunch at kung gaano kainit ang panahon.#

BFGF airs every Sunday, 4pm at TV5. Stars Alex Gonzaga and Kean Cipriano of Callalily. Bb. Joyce Bernal directs



Please don’t omit flowers

And so I received flowers for the first time last Valentine’s Day. It’s no big deal really, except that, just moments before that, I was thinking of texting my friend Monica how I’ve never received flowers ever (but especially on Valentine’s Day),  how I wonder how it feels to carry around three roses while trying not to blush (not that it’s a lot of work; I’m not mestiza, you know, ‘yung pag naarawan e nasusunog, hindi namumula, thank you), and how, excuse the cheesiness, (more…)



Namimiss ko siya

tpsKung may sarili man akong namimiss ko, yun yung sarili ko nung kaka-graduate ko pa lang sa UP, nung nag-eedit pa lang ako ng mga ballet recital sa Katipunan na P1000 per project na tatapusin ko ng dalawang araw pagkatapos kinabukasan, maglilibot sa Makati para magpasa ng resume na ang 2×2 picture ay ang graduation picture kong maganda ang lighting at make-up, para bang sinasabing, “oo na, fresh grad ako, oo na, ako lang ang papayag sa 10k/mo minus tax pa dahil wala pa naman akong karapatan pang mag-inarte kahit sabi ni Oble, matapang daw ako, matalino, walang takot, kahit kanino”. (more…)



Hindi lang halata, pero ma-drama na tayo nung bata pa, tanong mo pa sa guard nung nawala ka sa SM

Lagi nating sinasabi, ang sarap ng buhay nung bata pa tayo. Simple lang ang mga problema, ang inaalala lang e kung tutubuan ba ako ng puno ng santol sa lalamunan gaya ng sabi ni Ali kasi nakalunok ako ng buto o kung paano pipigilin ang luha ko sa harap ng mga kalaro kong lalaki sa kickball nung nauna kong sipain ang hangin kesa sa bola, at hindi kung saan kukuha ng perang pambayad ng condo nang hindi nabebelow-minimum ang ATM account, o kung paano pipigilin ang luha sa harap ng mga taong feeling God o kanang-kamay ni God nung masabihan kang tanga kaya bibilang ka na lang ng 1 to 100 na sheep na tumatalon sa fence habang sinasabi sa sarili, pagpasensyahan mo na sila, hindi siguro sila naarawan nung bata at nakapag-kickball sa kalsada. (more…)



Sa bawat departure, may arrival, tanong mo pa sa airport

Nasa departure area kami nun ng NAIA, papuntang Santorini, Greece para sa shooting ng For the First Time. Ang dala ko, dalawang malaking bag lang. Hindi rin ako malungkot. E isang linggo lang naman kami sa Greece, alam kong babalik ako. Wala ring kapamilya o kaibigang naghatid sakin papuntang airport, mga staff at crew lang ang kasama ko.

Pero sa paligid ko, ang dami-daming malalaking bag, na nakalagay pa sa mga pushcart, yung alam mong yung pag-impake nila e hindi lang sila isang linggong mawawala. Tapos andaming nag-iiyakan, andaming nagyayakapan, andaming nagpapaalaman, yung parang hindi nila alam kung kelan pa uli babalik yung isa. Nanay sa anak. Anak sa magulang. Asawa sa asawa. Boyfriend sa girlfriend. Iiwan sa mang-iiwan.

Tinext ko si Ethel na ang tatay ay OFW sa Saudi, na minsan lang sa isang taon kung makauwi: “Ganito pala kalungkot sa departure area. Walang kasing lungkot.”

At ang sagot niya: “Isipin mo na lang kung gaano kasaya yung arrivals area.”

Ngayong taon, nasa arrivals area si Ethel.#



Pa-order nga po ng pag-ibig, with extra cheese, willing to wait

May kilala akong hindi pa nagkaka-boyfriend since birth. Gusto na raw niyang magka-boyfriend, yung maranasan na kapag pinagalitan siya ng boss niya e merong magsasabi sa kanyang “it’s okay” o kapag pagod na pagod siya galing trabaho e ok lang kasi may kasama naman siyang mag-dinner later with interesting conversation tungkol sa buhay, buwan at bituin. Nag-text siya sakin isang beses, “Argh, I’m the only person I know na hindi pa nagkaka-boyfriend.” Napa-dalawang-isip tuloy ako. Hindi ko alam kung hahanapan ko siya ng boyfriend, o hahanapan ko siya ng iba pang kilala kong hindi pa nagkaka-boyfriend.

May kilala akong baklang umibig sa isang lalaki. Hindi lang sa lalaki, kundi sa lalaking may asawa. At hindi lang basta umibig kundi umibig na nung manganganak na yung asawa nung lalaki, e siya pa yung nagdala sa ospital. Ngayon, over na siya, sabi niya ha. Dati daw kasi, maalala lang nya yung lalaki ay biglang mapapaiyak na lang siya kahit nagtatrabaho pa, at hindi na siya mapapatahan. Ngayon, naiiyak na lang siya kapag naririnig niya ang “I’ll Never Get Over You Getting Over Me”. Huling balita ko, ginagawan siya ng dambana sa may Scout Circle kabilang ang mga kapwa niyang martir na Boy Scouts. May bandang drum and lyre daw sa ribbon-cutting. Tutugtugin ang “I’ll Never Get Over You Getting Over Me” hanggang hindi na siya magpanggap na over na siya. (more…)



Hu u, sabi ng pre-2008 self ko. Dis is me, reply ng post-2008 self ko, y? angal b u? Part 2

akosagreeceDi ko inakala na makakapunta ako sa Greece. Pero dahil mabait si God at si Direk Joyce Bernal (pati sina Ayrin, Marian Rivera at Tatay Joe, na nag-donate sa “Oplan: Isabit si Tonet sa Byaheng Greece”), paggising ko mula sa pagkahaba-habang flight, andun na ‘ko sa Santorini bilang sabit na script continuity para sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema. Sa totoo lang, hindi ganun kasaya ang karanasan sa Greece, pero nung tumigil nang mag-roll ang camera (na tilt at pan lang ang movement, dahil wala kaming dolly o mini-jib, sorry na, indie shoot lang, Greece yun e), dun nag-umpisang humiwaga ang Greece.

Tulad nung last day ng shooting at nagpaiwan kami ni Ayrin sa Oia kahit hindi namin alam kung paano kami makakabalik sa apartment dahil wala nang service at mahal naman ang taxi. Pero nagkwentuhan pa rin kami sa isa sa mga restaurants dun, umorder ng masarap na cake, kumain nang wala nang kunsumisyon dahil sa pelikula, tumingin sa Aegean Sea, hanapin ang nawawalang buwan, at bumuntung-hininga, sabay sabing, syet nasa Greece tayo, syet kumakain tayo ng cake sa Greece, syet tapos na ang pelikula, syet nasa harap natin ang Aegean Sea, syet paano tayo uuwi. Pero dahil sa hiwaga ng Santorini kapag tapos na ang shooting, nakauwi naman kami sa paraang napaka-Pinoy. Lakad. Alay-lakad.

p7181200Na sa sobrang layo, napagkwentuhan namin ang buhay-TV, Marimar, Dyesebel, si ganito, si ganun, ang ano, ang ano pa, na mga bagay na pinag-uusapan naman namin dati pero parang nun pa lang namin pinag-uusapan, na parang bago pa lang. Pag-uwi namin, may pa-last day party ang isang Pinoy dun. At kami ay naglasing-lasingan nina Direk Joyce, Ayrin at KC Concepcion habang kumakanta ng Linger, You Oughtta Know at God Bless the Broken Road. Sino’ng mag-aakala na isang araw ay makakanta ko si Alanis sa Santorini? Kahit maling akala, wala.

(more…)



Hu u, sabi ng pre-2008 self ko. Dis is me, reply ng post-2008 self ko, y? angal b u? Part 1

Kung itetext ng post-2008 sarili ko ang pre-2008 sarili ko, ang irereply siguro ng pre-2008 sarili ko ay: “hu u?”

Aminado naman ako, na binago ako ng 2008. Yung tipong pagbabago na nangyari na lang, yung hindi na inisip, yung bago ka pa nagka-wisyong isipin e andun na yung pagbabago, yung tipong pagbabagong pati sarili mo ay ginulat mo, tapos sa dulo hindi naman pala masyadong kagulat-gulat, medyo lang.

At yun pala ang pinakamasarap na pagbabago. Yung inaakap na lang.

Nagtapos nung 2008 ang Marimar at nag-umpisa naman ang Dyesebel. Mga TV show lang sila, pero binago nila ang mga paniniwala at pananaw ko. Na okey lang pala hindi masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. Na okey lang pala sumubok ng bago. Na okey lang pala magkamali, bakit sino bang nagbibilang? Na okey lang pala magdesisyon nang di pinapaputi ang buhok sa kakaisip nang malalim. Na okey lang magdesisyon nang tatlong segundo lang pinag-isipan, tapos kung mali pala ang desisyon, okey lang pala, bakit, perfect ka? Na okey lang pala. Okey lang. (TV show pa lang sila ng lagay na yan a, e pano pa kaya kung nag-anyong tao pa sila? Actually, parang okey lang.) (more…)




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.