Archive for the ‘Thankful for Work Nonetheless’ Category

h1

Hindi siya bakla, mapanghusga ka lang

April 6, 2009

“Bakit ka ba umalis ng Pilipinas?” tanong sa kanya. Medyo matagal na kasi siyang nasa Amerika, na nakakagulat, kasi parang masaya naman ang buhay at career niya dito sa’tin.

Sabi niya, isa sa mga dahilan e hindi na raw niya makayanan ang tsismis na bakla daw siya. At sumunod ang isang mahabang litanya tungkol sa kanyang pagkadismaya. Sumama daw talaga ang loob niya sa isyung yun. Na pinagtsi-tsismisan na bakla siya. Na pinagpipyestahan ang pagkatao niya. Na ayaw niyang—

Nang biglang may nag-ring na cellphone.

“All the single ladies! / All the single ladies! / Now put your hands up!…”

Katahimikan. Nagkatinginan.

Cellphone nya, at ang kanyang ringtone na tsina-challenge kung hanggang saan natin kayang hindi maging judgmental.

E parang hanggang kanto lang.

Anuba, hindi. Hindi nga daw siya bakla. Mapanghusga ka lang.#

h1

Sa bawat departure, may arrival, tanong mo pa sa airport

February 22, 2009

Nasa departure area kami nun ng NAIA, papuntang Santorini, Greece para sa shooting ng For the First Time. Ang dala ko, dalawang malaking bag lang. Hindi rin ako malungkot. E isang linggo lang naman kami sa Greece, alam kong babalik ako. Wala ring kapamilya o kaibigang naghatid sakin papuntang airport, mga staff at crew lang ang kasama ko.

Pero sa paligid ko, ang dami-daming malalaking bag, na nakalagay pa sa mga pushcart, yung alam mong yung pag-impake nila e hindi lang sila isang linggong mawawala. Tapos andaming nag-iiyakan, andaming nagyayakapan, andaming nagpapaalaman, yung parang hindi nila alam kung kelan pa uli babalik yung isa. Nanay sa anak. Anak sa magulang. Asawa sa asawa. Boyfriend sa girlfriend. Iiwan sa mang-iiwan.

Tinext ko si Ethel na ang tatay ay OFW sa Saudi, na minsan lang sa isang taon kung makauwi: “Ganito pala kalungkot sa departure area. Walang kasing lungkot.”

At ang sagot niya: “Isipin mo na lang kung gaano kasaya yung arrivals area.”

Ngayong taon, nasa arrivals area si Ethel.#

h1

Hu u, sabi ng pre-2008 self ko. Dis is me, reply ng post-2008 self ko, y? angal b u? Part 2

January 30, 2009

akosagreeceDi ko inakala na makakapunta ako sa Greece. Pero dahil mabait si God at si Direk Joyce Bernal (pati sina Ayrin, Marian Rivera at Tatay Joe, na nag-donate sa “Oplan: Isabit si Tonet sa Byaheng Greece”), paggising ko mula sa pagkahaba-habang flight, andun na ‘ko sa Santorini bilang sabit na script continuity para sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema. Sa totoo lang, hindi ganun kasaya ang karanasan sa Greece, pero nung tumigil nang mag-roll ang camera (na tilt at pan lang ang movement, dahil wala kaming dolly o mini-jib, sorry na, indie shoot lang, Greece yun e), dun nag-umpisang humiwaga ang Greece.

Tulad nung last day ng shooting at nagpaiwan kami ni Ayrin sa Oia kahit hindi namin alam kung paano kami makakabalik sa apartment dahil wala nang service at mahal naman ang taxi. Pero nagkwentuhan pa rin kami sa isa sa mga restaurants dun, umorder ng masarap na cake, kumain nang wala nang kunsumisyon dahil sa pelikula, tumingin sa Aegean Sea, hanapin ang nawawalang buwan, at bumuntung-hininga, sabay sabing, syet nasa Greece tayo, syet kumakain tayo ng cake sa Greece, syet tapos na ang pelikula, syet nasa harap natin ang Aegean Sea, syet paano tayo uuwi. Pero dahil sa hiwaga ng Santorini kapag tapos na ang shooting, nakauwi naman kami sa paraang napaka-Pinoy. Lakad. Alay-lakad.

p7181200Na sa sobrang layo, napagkwentuhan namin ang buhay-TV, Marimar, Dyesebel, si ganito, si ganun, ang ano, ang ano pa, na mga bagay na pinag-uusapan naman namin dati pero parang nun pa lang namin pinag-uusapan, na parang bago pa lang. Pag-uwi namin, may pa-last day party ang isang Pinoy dun. At kami ay naglasing-lasingan nina Direk Joyce, Ayrin at KC Concepcion habang kumakanta ng Linger, You Oughtta Know at God Bless the Broken Road. Sino’ng mag-aakala na isang araw ay makakanta ko si Alanis sa Santorini? Kahit maling akala, wala.

Read the rest of this entry ?

h1

Hu u, sabi ng pre-2008 self ko. Dis is me, reply ng post-2008 self ko, y? angal b u? Part 1

January 30, 2009

Kung itetext ng post-2008 sarili ko ang pre-2008 sarili ko, ang irereply siguro ng pre-2008 sarili ko ay: “hu u?”

Aminado naman ako, na binago ako ng 2008. Yung tipong pagbabago na nangyari na lang, yung hindi na inisip, yung bago ka pa nagka-wisyong isipin e andun na yung pagbabago, yung tipong pagbabagong pati sarili mo ay ginulat mo, tapos sa dulo hindi naman pala masyadong kagulat-gulat, medyo lang.

At yun pala ang pinakamasarap na pagbabago. Yung inaakap na lang.

Nagtapos nung 2008 ang Marimar at nag-umpisa naman ang Dyesebel. Mga TV show lang sila, pero binago nila ang mga paniniwala at pananaw ko. Na okey lang pala hindi masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. Na okey lang pala sumubok ng bago. Na okey lang pala magkamali, bakit sino bang nagbibilang? Na okey lang pala magdesisyon nang di pinapaputi ang buhok sa kakaisip nang malalim. Na okey lang magdesisyon nang tatlong segundo lang pinag-isipan, tapos kung mali pala ang desisyon, okey lang pala, bakit, perfect ka? Na okey lang pala. Okey lang. (TV show pa lang sila ng lagay na yan a, e pano pa kaya kung nag-anyong tao pa sila? Actually, parang okey lang.) Read the rest of this entry ?

h1

Raffle ba kamo? Eto’ng raffle

October 23, 2008

raffle kuno

Katatapos lang nun ng cast party ng Kim Sam Soon, na pinagbidahan ni Regine Velasquez.

“Ibang klase yung pa-raffle ni Regine. Sa ibang raffle diba, may premyo, tas bubunutin yung pangalan nung mananalo,” sabi ng taga-GMA Engineering na Mike na pumunta sa party. ”Dun kay Regine, ikaw mismo ang bubunot ng makukuha mong premyo, kaya lahat talaga, may mauuwi.”

Hindi na ako nagulat, kasi sa cast party ng Paano Kita Iibigin, ganun din ang ginawa ni Ms. Regine sa raffle, kaya lahat may naiuwi. At hindi lang basta-bastang may naiuwi ha.

“Oo, dun nga samin, may cellphone. May Magic Sing. May flat-screen TV…” sabi ko.

“Grabe, mga bigatin talaga ang pinamigay. May mga ref. May washing machine. May rice cooker. May turbo broiler. May mga TV,” pagyayabang ni Mike. “Walang umuwing talo. Lahat panalo.”

“Ah talaga? E ano naman napanalunan mo?” tanong ko, curious lang.

“Plato.”

Ah eh. Tsong. Parang talo ka dun ah.#

h1

And I quote Bb. Joyce Bernal

September 28, 2008

1. Joyce Bernal: (through text) Tonet, tanong mo kina Marian, Paolo, Helen, Jing, etc kung ano’ng gusto nila sa Starbucks.
Tonet: Ok. Wait lang po.
Tonet: (after five minutes) Ayrin- iced cafe mocha with extra shot espresso; Tonet- iced cafe mocha; Ms Helen, May- caramel macchiato; Denoy- coffee frappe light; Marian- chocolate cream; Erwin- caramel macchiato hot; Kuya Odie- mocha frappe; Kuya Rommel, Kuya Allan- iced cafe mocha
Tonet: (after one minute) Eto pa po: Tata Joe- hot mocha; Earl- coffee jelly w/o whipped cream; Paolo- ensaymada; Ms Jean- hot chocolate
Joyce Bernal: (after one minute) SARADO NA ANG STARBUCKS!!!
Tonet: Waaaaaaaah!
Joyce Bernal: E kung makapag-order ka naman kasi, parang magra-run ako for mayor!
Tonet: E Direk! Ang lawak naman kasi ng etc no!
Joyce Bernal: Tse! You’re fired! Leave this country!

Pagdating niya sa set, nabili niya lahat ng order.

2. Joyce Bernal: Naglalakad kami sa mall [ng kaibigan ko]. May nakita kaming babae: naka-camouflage pants. Naka-camouflage na cap. Naka-camouflage na jacket. Ang tawag sa get-up nya: Over-fatigue.

3. Joyce Bernal (habang set-up pa ng isang malaking eksena sa Marimar): Tonet, matutulog lang ako sa van. Gisingin mo’ko after 15 minutes. 15 minutes ha.
Tonet (after 15 minutes; nag-alarm na ang timer sa cellphone): Direk, gising na po.
Joyce Bernal: Tse! Ang strict mo naman!

4. Joyce Bernal (sa isang talent (extra) na sireno sa Dyesebel na dapat ay hahagupitin nang malakas na malakas ang likod ni Bukanding (Paolo Ballesteros) bilang parusa): Kuya, ang hina mong humagupit, nasa foreground pa naman kita! Ang lambot mo, para kang pinakuluan!

5. Joyce Bernal (sa isang talent na sobrang puti ng make-up sa mukha): Ate, taga-GMA Kapuso Foundation ka ba? 

6. Joyce Bernal (dahil sa kanyang goal na turuan ng mga ka-jologsan si KC): Ang epal, ibig sabihin, makapal, sumisingit sa di naman dapat, nakiki-eksena. Epal. Umeepal.
KC (after some time): Direk, I’m epal na! (pero ang pagka-pronounce ni KC ay hindi pa rin pang-jologs na balahura. May class at finesse pa rin. “Ahp-hul.”)
Joyce Bernal: KC, yung “epal” mo, papunta na sa fruit. 

7. Joyce Bernal (to Dysebel’s Associate Producer on phone, sa set noon ng Marimar na malapit nang matapos; ise-sked na ang location-hunting sa Coron, Palawan para sa Dyesebel): Ibili mo rin ng ticket si Tonet. Sya yung script continuity ko. Ako bahala sa pamasahe niya. Isasama ko sa Palawan.

8. Joyce Bernal (sa set noon ng For the First Time habang nagkakape sa Serendra): Tonet, isasama kita sa Greece. Ako bahala sa kalahati ng pamasahe mo.

9. Joyce Bernal (through text, madaling araw, Aug 30, 2008): Tonet, ano’ng full name mo?
Tonet: Antoinette Jadaone po.

Kinagabihan, concert ng Eraserheads sa The Fort Open Grounds. Hindi nakalagay ang pangalan ko sa VIP list ng Sony BMG (mula sa kabaitan ni Chino ng Silent Sanctuary); yun ang inaasahan kong guest pass ko. Tinext ko si Direk Joyce (na nasa taping pa nun ng Dyesebel sa Subic; nag-absent lang kasi ako): “Direk, hindi ako makapasok!!! Waaaah! Hindi ako nagpapa-panic.” Agad na pinakausap ako ni Direk Joyce kay Julie (staff ng Eraserheads). “Anong pangalan mo?” tanong ni Julie. “Antoinette Jadaone po.” “Sige, pasok ka na,” sabi agad ni Julie.

Nasa VIP list daw ako ni Ely. Ipinasok ako ni Direk Joyce, kaninang madaling-araw lang.

10. Tonet (sa isang inuman kasama ang ilang cast ng Dyesebel): Oo, mahal ko po ‘tong si Direk Joyce.
Joyce Bernal: Sus, parang hindi naman!#

h1

At your own pace

August 8, 2008

Production assistant ako nun sa shoot ng Head&Shoulders TVC. May isang lalaking naka-simpleng tshirt at tsinenas na mahaba at magulo ang buhok ang lumalapit sa kamera. Nagtatanong sa amin tungkol sa ilaw, sa anggulo ng kamera at iba pang ka-teknikalan. Hindi naman siya parte ng production staff namin, at lalong hindi siya crew, pero mukhang interesado talaga siya. Nung kinausap ko siya, nalaman kong siya pala ang ex-President ng dati kong film org sa UP Fine Arts na siyang nag-organize ng unang Inyorai Bidyo Film Festival (na unang nagparamdam sa’kin na may dulot ang pag-shift ko sa Film: Doon unang na-nominate ang unang short film ko bilang Best Short Film at Best Director. Nung una kong nalaman yun sa email, naluha ako). Napatigil agad ako. Bilang pagpupugay, tinawag ko siyang Ser Tom.

Tinanong ko si Ser Tom kung anong ginagawa niya dun. Taga-ahensiya pala siya, yung nag-conceptualize ng TVC na iyon. Hindi ako makapaniwala. Ang mga taga-ahensiya kasi, karaniwang naka-posturang gayak at doon sa de-aircon na standby area lang lumalagi. Sabi niya, nami-miss na raw niyang gumawa ng pelikula. Bakit hindi ka gumawa? sabi ko. Sabi niya, hindi raw niya alam. Nakakalunod daw ang trabaho na parang nawala na yung dating tulak. Sayang naman po, sabi ko. Nung matapos na ang TVC, wala na akong narinig muli kay Ser Tom.

Limang buwan pagkatapos, sa ika-19 Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Bidyo, nariing ko na lang, ang ikalawang gantimpala para sa Animation Category, napunta kay Ser Tom.#

h1

Saudi gold

August 6, 2008

May dumating na isang talent (o extra, tawag natin) sa shooting ng For the First Time na punung-puno ng alahas ang katawan na tipong Saudi gold at pekeng silver. May dalawang kwintas na may malaking palawit, hikaw na de-dyamante sa isang tenga, maraming bracelet na kadena, singsing na halos bawat daliri sa bawat kamay (parang Pritos Ring lang). (Hindi ko nga lang na-check kung may tongue ring at belly ring siya.)

Tinanong namin siya, “Kuya, bakit ang dami mong suot na alahas?”

Sagot ni Kuya, “E kasi ang sabi sakin, ang role ko daw, mayaman.”#

h1

Adlib

August 3, 2008

Sa isang eksena namin para sa pelikula ni KC (Concepcion) at Richard (Gutierrez), ipinapakilala ni Abby (re-introducing Ana Roces from Wednesday Edition (for confirmation)) si Lily, ang kanyang anak na five years old na ngayon, kay Seth (Gutierrez), kapatid ni Abby, na ngayon lang bumalik sa Pilipinas after three years.

Kailangang humingi si Lily kay Tito Seth ng maraming gifts kasi marami na siyang utang na birthday at Christmas gifts sa pamangkin niya. Dahil adlib lang ang lines ni Lily, sabi ni Direk Joyce (Bernal) sa bata, sabihin na lang niya yung mga gusto niyang gifts sa totoong buhay para hindi siya mahirapan. Oo daw, sabi ni Lily. (Bata pa lang, professional na.) At kinunan na ang eksena.

ABBY
Lily, come here. Do you remember Tito Seth? Give him a kiss!

Iiling si LILY, pero iki-kiss naman ang tito.

ABBY
(to SETH) Five years old na yan! Ibig sabihin, ang dami mo
nang utang sa kanya! Three birthdays! Three Christmases!
(to LILY) Lily, go tell your Tito Seth whatever you want!
He’ll buy it for you!

LILY
(walang kakurap-kurap) I want Bratz dolls. I want a fabulous
dollhouse where I can put all my Bratz dolls in it. I want a
dollhouse with a swimming pool. I want a kitchen for
my dollhouse where I’ll put my Bratz dolls. And…
(mag-iisip pa uli) Uhm, just that.

Asus, just that lang pala eh.

Tama nga sila: nagiging mas effective ang pag-arte ng isang artista kung huhugutin mo sa personal experience.#

h1

Child Star

August 3, 2008

Postscript: Bilang bata pa lang ang mga artistang iyon ay ma-PR na, masarap tsikahin sina Lily, 5, at ang mga kasama niyang bibang batang artista (na itago natin ang isa sa pangalang Girl, 8). Pero si Lily ang pinaka-may promise sa mga “child stars” na yon.

Panel: What do you want to be when you grow up?

Girl: I want to be an actress.

Lily: I want to be a good actress.

Naaaaaks.

Dahil diyan Lily, malamang ay maging good actress ka nga. Kung hindi man, at least, maging actress ka who answers questions well. Ay, baka maging politician ka.

Iyan ay kung at age 12 ay hindi ka maging drug addict.#