Filed under: I'm channeling Brian Andreas, who's he?, you ask, and I figured you've been missing half of your life, In love or something like it, Poetry in my definition | Tags: brian andreas, michael angelo, pag-ibig, poetry
the millisecond before her feet touched the ground, she fell in love, & she’s never touched the ground again since, it’s been almost 3 years
Filed under: In love or something like it, Poetry in my definition | Tags: pag-ibig, tula
minamahal kita nang higit ngayon.
wala namang nagbago,
kundi panahon.
Filed under: Poetry in my definition
hindi mo alam
pero madalas
naaalala kita.
at ang lahat ng
ipinadama mo
sa akin
na hanggang ngayo’y
hindi ko pa
naramdamang muli–
ang masabik, ang
magbilang ng
oras, minuto,
ng segundo,
ng kumpas ng relo
bago ka muli magpakita,
sa telepono, sa tawag, sa
kung saan mang naroon ka
at naroon ako,
at humudyat na
eto na
may permiso na tayo
ng isa’t isa
na mawala sa sandali, na
maniwala, na
umasa na
may naghihintay
sa dulo ng
sandaling ito
ngunit walang aamin
at walang umamin
na ito ay higit pa sa
isang laro, sa isang
pansamantala, sa isang
walang patutunguhan,
dahil pareho tayong takot
na masabihan ng
nahihibang ka na ba?, ng
hindi ka na ba nag-iisip?.
ngunit walang nakaaalam,
ni ikaw,
na mabigyan mo lang ako ng
hudyat, ng permiso
tulad ng
dati,
babalikan kita, at
magpapakahibang
ako, tayo
at hindi mag-iisip,
lumigaya lang muli.
Filed under: Poetry in my definition
i breathe you, yet i shall never get tired of you/ come not so often, and i shall never get tired of you
Filed under: I'm channeling Brian Andreas, who's he?, you ask, and I figured you've been missing half of your life, In love or something like it, Poetry in my definition | Tags: brian andreas, love, pag-ibig
She told him, I hate you, and he told her, I hate you too, and I figured they’re going to love each other for a long time.
Filed under: In love or something like it, Please, it's more than just a piece of celluloid, Poetry in my definition | Tags: film, love, pelikula
Natapos na rin kita sa wakas. Una kitang naisip, two years ago na yata, basta matagal na. Nagagalit na nga sakin si Bebs kasi puro konsepto lang ako, puro drowing, puro excitement, wala namang nasusulat. Pero ewan ko ano’ng nangyari, bakit bigla na lang akong ginanahang isulat ka. Pagkatapos yata nung mapanood ko ang Donor sa Cinemalaya, na parang nabatukan ako na masarap siguro makagawa uli ng pelikula, o nung na-publish sa Youngblood yung isang sinulat ko, na parang nabatukan ako na masarap nga palang magsulat at mabasa, pero hindi na yun mahalaga. Basta nasulat na kita, konting edit-edit na lang, konting revise-revise, konting pabasa sa iba, hingi ng comment, konti na lang, pwede na kitang palayain. Pwede ka nang mawala sa mga kamay ko at ilipat sa kanila, sa hangin, sa tadhana, sa Universe na nagko-conspire daw basta gustuhin mo talaga ang isang bagay. Wala na sa akin ang iyong kapalaran, na sabi naman ni Mace, at ni Glenn, at ni Leo e mukhang magiging maganda naman daw, pero syempre mga kaibigan ko sila, alangan namang hindi biased. Maindahin pa naman ako.
Sa October, maghihintay ako ng balita, at sana hindi ako biguin ni Universe. Gustung-gustung-gusto kong matupad ka, magawa ka, mapanood ka, makita kang makita ng iba, pero syempre, wala namang natupad sa basta-bastang gusto lang. Edi lahat nanalo na sa lotto at lahat ng babae naging si Angelina Jolie na. Ang iba, bahala pa rin si Universe, e ang laking porsyento pa naman nung “iba”. Pero kung talagang sinubaybayan nya ako mula nung college, alam na nya siguro, hindi ko na kailangang ipaliwanag pa sa kanya na may kasamang novena at di mabilang na dasal. Kung para sayo talaga, ibibigay sayo, ganun na lang. Kung hindi, e hindi talaga, ganun na lang. Kung gayon, e maiintindihan ko anuman ang maging pasya. E sus, parang pag-ibig lang naman pala, ako pa.
Filed under: In love or something like it, Poetry in my definition | Tags: love, pag-ibig
Linger in my dreams
Extend your stay
Make me believe
Amaze me again
(first three lines written in july 2009, at the time we were shooting Kimmy Dora, when Eugene Domingo suddenly recited lines (although not verbatim) from Barbra Streisand’s Being Alive: “make me confused/ vary my days/ ruin my sleep/ make me alive”. i remember telling myself, “t***na, ang ganda naman nun”. i’ve already forgotten about this unfinished poem, until i re-read my journal and finally found a way to finish it.)
Filed under: In love or something like it, Mastercard moments, if you know what I mean, Poetry in my definition | Tags: michael angelo, pag-ibig, valentine's day
Binabawi ko na/ ang tinuran ko dating
minamahal kita/ nang higit sa minahal
ko siya
sapagkat ngayon
ay minamahal/ na kita
hindi nang higit/ o kulang
sa minahal ko sila/ kundi
basta
minamahal kita
minamahal kita.
Filed under: Abba said it so brilliantly, In love or something like it, Poetry in my definition | Tags: gupit, mcamusic, music video, paramita, sa piling nya, toto sorioso, UP
My favorite music video that I directed. (Actually, it’s a toss-up between Paramita’s Sa Piling Nya and this.) Thanks Christina, Toto and mca music!#
Filed under: In love or something like it, Poetry in my definition | Tags: brian andreas, love, michael, pag-ibig, tattoo, valentine's day
My favorite one- to three-liner “author” Brian Andreas wrote, “I think you love people until you get to understand them, she said [and] I said, what happens then? [and] she said, O, that’s when you move away,” and after more than a year, you’re doing pretty well, I still haven’t figured you out, and at the rate things are going, I think I’ll be staying for a long, long time, and frankly my dear, I don’t mind at all.#