Archive for the ‘Please, it's more than just a piece of celluloid’ Category

h1

Pasintabi sa mga galit sa emo at cheesy, mukhang cheesy lang ‘to pero hindi talaga, papunta pa lang dun, wala pang ending e

June 11, 2009

1  END NG SCREENING NG ISANG MAGANDANG PELIKULA SA CINEMALAYA FILM FESTIVAL, CCP LITTLE THEATER LOBBY. NIGHT.

Maraming tao, halos lahat masaya, nakangiti, parang inspired. Ininterview ako nung isang may camera at mic, ano raw ang masasabi ko sa pelikula. Sabi ko, “Maganda, maganda. Sana balang araw makagawa ako ng ganung pelikula.”

2  LOOB NG KWARTO KO, PAG-UWI, GABI.

Pag-uwi ko, pumasok agad ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw, binuksan ko ang PC, kailangan kong buksan agad ang Word.

VO (nakikita ko pa ang reflection ko sa monitor, nakatitig lang, habang hinihintay mag-load ang Word, na parang napakatagal): May nagsabi sa’kin, ang pinakamagandang kwento raw ay isunulat ng taong nagmahal, at nasaktan. Kaya, sabi niya, habang nagmamahal ka, at nasasaktan, magsulat ka. Habang masakit pa, isulat mo, habang nagmamahal ka, habang akala mo ay di ka na magmamahal at masasaktan uli ng  parang ganon, magsulat ka. Dahil hindi ka na uli makakapagsulat ng parang ganon. Nakakainis, sabi ko, kasi nung pinakanagmahal ako at pinakanasaktan, hindi ako nagsulat. Nakakainis… Kaya ngayong gabi, babalikan kita. Babalikan kita kahit hindi ko alam kung magiging gaano kasakit, kung magiging masakit man, o kung magiging masakit uli, pero babalikan kita. Dahil ngayong gabi, alam ko, maisusulat ko ang pinakamagandang kwentong maisusulat ko.”

h1

Namimiss ko siya

June 10, 2009

tpsKung may sarili man akong namimiss ko, yun yung sarili ko nung kaka-graduate ko pa lang sa UP, nung nag-eedit pa lang ako ng mga ballet recital sa Katipunan na P1000 per project na tatapusin ko ng dalawang araw pagkatapos kinabukasan, maglilibot sa Makati para magpasa ng resume na ang 2×2 picture ay ang graduation picture kong maganda ang lighting at make-up, para bang sinasabing, “oo na, fresh grad ako, oo na, ako lang ang papayag sa 10k/mo minus tax pa dahil wala pa naman akong karapatan pang mag-inarte kahit sabi ni Oble, matapang daw ako, matalino, walang takot, kahit kanino”. Read the rest of this entry ?

h1

Please allow me to rant in English

November 18, 2008

I feel soooo bad that I missed the deadline of this year’s Gawad CCP for Alternative Film and Video. Argh! I was waiting for their December call for entries (they always announce it on that month) so I can submit my short film Tumbang Preso, have its screening in January in CCP’s Little Theater, then pray for luck at their late-January awarding ceremonies.

But I missed the deadline. Because they decided to hold the Gawad CCP earlier than usual. And there were no emails from any film e-group calling for Gawad CCP entries at all. Argh. Now I have to wait for another two years for the next Gawad CCP (it’s biennial).

Argh.

Sorry na kung brat. Gawad CCP yun e.#