Filed under: Lord, give me patience, yung madami, Please, it's more than just a piece of celluloid | Tags: alexis tioseco, film, pelikula
Anak, kung sakaling gusto mong maging direktor
balang araw:
Hwag kang gagawa ng pelikula nang wala kang pera
nang wala kang ipon
nang wala kang kumpyansa
nang wala kang alam
Hwag kang gagawa ng pelikula nang hindi ka handa
nang hindi ka handang masabihang
“ang pangit ng ginawa mo”, “di hamak
namang mas maganda ang magagawa ko riyan”
nang hindi ka handang malamang
hindi ka pala magaling, di-tulad ng pinaniwala ko sa iyo
o ng iyong mga guro, o ng iyong mga kaibigan.
Hwag kang gagawa ng pelikula nang hindi ka handang
mawalan ng pera, ng ipon
magkautang, at magkautang pa,
mawalan ng kaibigan at/o magkaroon ng kaaway,
nang hindi ka handang masaktan, mabigo,
mabigo ang sarili,
ako, o ang iyong mga guro, o ang iyong mga kaibigan
na napaniwala mong magaling ka
sa loob ng kay raming taon bago ka
sinuwerteng gumawa nitong pelikula.
Hwag kang gagawa ng pelikula nang hindi ka handang
mabaliw, tulad ng:
magising ng alas-dos ng umaga at biglang luluha ka na lang
dahil ang pangit ng mga nakunan mo, kung pwede lang ulitin lahat;
o dahil gusto mo pang mapaganda, ngunit wala ka nang pera;
o dahil gusto mo nang matapos lahat, dahil pagod na pagod
na pagod
na pagod
ka na.
Pero anak, kung sakaling gusto mo talagang maging direktor balang araw
ngunit wala kang pera, wala kang ipon,
at nababaliw at naluluha ka ng alas-dos ng umaga,
kung sakaling gusto mo talagang maging direktor balang araw
ngunit tingin mo’y hindi ka handa,
o walang sapat na mga taong nagtitiwala,
Gumawa ka pa rin ng pelikula,
dahil iyan palang pagnanais mong gumawa ng pelikula, anak,
sa palagay ko,
sapat na.
Filed under: Lord, give me patience, yung madami, Please, it's more than just a piece of celluloid | Tags: alexis tioseco, cinema one, film, finalist, lilia cuntapay, pangarap, pelikula, screenplay, script
Iko-coma ko ba ‘yung bida? Gusto ko ‘yun, kasi challenging, na ilalabas mo yung galing nya gamit lang ang kaunting sequences. Saka naalala mo ‘yung sabi ni Ma’am Laurice na hindi naman ganun ka-endearing ang mukha ni Lilia na masaya siyang tignan sa loob ng 1hr20mins? Kaya baka nga dapat kontian ang mga eksena nya, at gamitin ang tulong ng mga supporting characters.
Eh kaso nga lang, bida, tapos naka-coma lang pala siya halong buong pelikula? Sabi pa nga ni Bebs, “hahaha”. Ang sabi nga rin ni Glenn, baka maging support na lang siya sa sarili nyang pelikula. Eh ang naisip ko naman, dapat ba conscious effort na gawing bida dito si Lilia? Oo, ‘yun ang expectation, pero hindi naman required. Edi para na rin palang Star Cinema ito na “isip ka ng concept for Gerald and Kim” o “may pelikula tayo, si John Lloyd at Bea ang bida, ano’ng pwedeng kwento?” Ang naisip ko, basta ang pelikulang ito ay tungkol kay Lilia Cuntapay, pero hindi ko naman sinabing mabubuo ang kwento niya nang walang tulong ng ibang tao sa paligid nya. (more…)
Filed under: Lord, give me patience, yung madami, Please, it's more than just a piece of celluloid | Tags: art, artist, furniture, marimar
I stumbled upon a very hip furniture store online called Roomix that gives artistic second lives to ordinary pieces (e.g. pipes turned into a lamp, a briefcase turned into a sofa), and I got really jealous.


A similar personal art project that I’ve conceptualized a year ago but never got to actually do came to mind again. I only got as far as making my boyfriend agree to do the wiring and welding. I used to be a very prolific butingtingera. I miss my old self making earrings out of guitar picks and out of weird shells I found in beaches while taping Marimar, and creating a ring with an old benchingko (25-centavo coin) from my lola’s baul, and stitching doodles and beads on my bag so it’s not just any other Jansport backpack–on a whim! And now, I just browse online furniture shops, get jealous, and I want to smack myself again with the remote control: ”Why haven’t you started it yet?!? It’s been more than a yeaaaaaaaaar! It’s still just a sketch on your notebook–where is it now by the way–, what’s your excuse this time?!?”
Revising my screenplay while watching Amelie and American Idol, now America’s Next Top Model, now State of the Nation on GMA NewsTV, then back to America’s next Top Model.
Filed under: Lord, give me patience, yung madami
Nagpa-peel ako ng mukha nung January dahil kahit di man artista (sa Korea) e lahat ay may karapatang mangarap na mawala o lumiit man lang ang pores. Pagkatapos ng dalawang buwan, nagpi-peel pa rin ang ilang parte ng mukha ko. May mga additional layers ba ang balat natin sa mukha na hindi naturo ng Biology teacher ko, o makapal lang talaga mukha ko?
* * *
Tinext ko si Ateng taga-driving school, baka pwedeng i-move yung Day 3 schedule ko kinabukasan na 6 to 8pm nang mas maaga dahil may bigla akong pupuntahan sa gabi. Alam kong may pinirmahan akong conforme na kung sakaling gustong magpalit ng schedule e dapat two days before ang abiso, pero bakit nung Day 1 e tinawagan ako ni Ate na kung pwede daw ba i-move ang Day 2 schedule ko bukas to 9 to 11am imbes na 10am to 12nn. Umoo ako kahit bukas na yun–hindi pasok sa two-days-before rule. Kaya kung pwede sana, kung pwede lang naman, e itanong nya sa boss nya kung pwedeng i-move ang sked ko. You know, returning the favor, kung hindi man hello, kliyente po ako, at mabait pa ha.
Aba, nag-reply si Ate: “Gudpm po.dayoff ko po ngaun.dko po alam kung pwd imove.tnx po.”
Anak ng! So kasalanan ko na day-off mo teh? So ako ang mag-aadjust? Hintayin ko na matapos ang day-off mo tapos saka ko lang pwede malaman kung pwede i-move? E bukas na kaya yung schedule ko!
Nag-reply si Ate: “Sori po mam.cge po uuwi npo ako.tnungin kpo.”
Sorry naman teh, nasira ko ba ang date mo? Hiyang-hiya naman ako sa’yo.
Ang ending, hindi na-move ang schedule ko. You know, ah kliyente ka?, ah the customer is always right? E sinira mo lakad ko e, kaya nek-nek mo! At oo, inaamin ko, pina-move ko ang sked namin ng drive nyo kahit short notice yun, pero bakit, may pinirmahan ba akong conforme galing sa’yo na dapat two days before ang pagpalit namin ng schedule?
Okay, fine, fine. Panalo na kayo Ate, sampu ng mga boss mo sa driving school nyong walang isang salita. Pinatatawad ko na kayo. Wag ko lang kayong makikitang tumatawid sa harap ko, baka sagasaan ko kayo at i-parallel parking. E sorry, turo n’yo yan e.
* * *
Ang liit ng busina ng aking oto! Parang busina ng pandesal! Yung tipong kapag bumusina ako e pusa lang ang matatakot, e pano kung di pa siya matatakutin?! Tinanong ko yung auto dealer kung ganun ba talaga kaliit ang busina nung oto. E ganun daw talaga; yun daw kasi ang standard sa Japan. Kamusta kaya kapag heavy traffic sa Japan no? Galit na galit ka na na hindi umaandar ang traffic, umuusok na ilong mo kasi late ka na, pero yung busina mo, poot poot! Poot poot!
Filed under: In love or something like it, Lord, give me patience, yung madami | Tags: best friend, boyfriend, ex-boyfriend, facebook, galit, girlfriend, love, pag-ibig, pangit, poot, selos, true love, UP
“Ang kapal ng mukha nya! Taga-UP ako ha. At hindi lang taga-UP, cum laude pa ako! Tapos ipagpapalit lang nya ako dun sa pangit na yun na ewan ko kung saan galing? Ang pangit nya ha, as in grabeng pangit! Tignan mo yung Facebook nya, dali, tignan mo! I-type mo pangalan nya, dali, i-type mo! O, nakita mo na yung profile pic? Nakita mo na? O diba, ang kapal ng mukha mag-pose ng close-up ng mukha nya, pumaling pa sa kaliwa, kita pa rin naman double chin nya, gandang-ganda sa sarili! Hoy, ang pangit mo, wag ka ngang maka-smile dyan na parang left ang angle mo! Mag-comment ka nga sa page nya, sige na, mag-comment ka please, nang mahimasmasan naman siya. Hindi naman sa nagyayabang ako ha, pero naman, kahit magpakalbo ako, mas maganda naman ako diyan, diba? Diba? Hoy, sumagot ka, diba mas maganda naman ako dyan? Walang bias ng friendship ha, diba, diba, diba? Kung hindi lang ako gaga e sana pinagsabay ko na lang sila ni ano, ano nga bang pangalan nung friend ni ano? Yung text nang text sakin? Oo, yung gwapo pag galit! Pero hindi, siya pa rin ang pinili ko, dahil mahal ko siya! Tapos gaganituhin lang nya ako? Ang kapal talaga ng mukha niya! Magsama silang dalawa ng pangit na yun! Tapos tignan mo nga yung profile nya ha, tignan mo! Nakita mo na? Yung sa gilid! The Alchemist pa ang naka-quote, as if naman nabasa nya talaga nang buo! If I know, ginoogle lang nya yun kasi nakaka-talino sa profile pag naka-quote si Paulo Coelho. Tapos tignan mo yung favorite books, tignan mo! Twilight series? Ano ba! Ipagpalit ba ako sa ang pinakamagandang nabasa na e ang Twilight? Excuse me naman, sorry naman kay Kundera ko at sa Einstein’s Dreams! Bakit? Ano’ng mali sa’kin, sabihin mo nga! Ginawa ko naman lahat ah! Wala siyang marereklamo sa’kin, sinunod ko lahat ng gusto niya, alam mo yan! Tapos ganito ang igaganti niya? I don’t deserve this! I don’t deserve this! Bakit ganun, bakit? Sabihin mo sakin, bakit?”
“Hayaan mo na sila. Ang tawag dun, true love.”
At ganun-ganun na lang, tumahimik ang kapaligiran.
Filed under: Lord, give me patience, yung madami | Tags: AFP, angelo reyes, budget cut, chavit singson, cocaine, lovi poe, pabaon, rabusa, ronald singson, UP
Dear M,
Hindi na kita iba-buzz sa Gmail kasi baka tulog ka pa, alam mo namang hindi ko na talaga na-memorize kung ilang oras ang pagitan ng Manila at Vancouver. Dadaldal lang naman kasi ako.
Yung isa kasing congressman dito, si Ronald Singson, anak ni Chavit–pamilyar sa’yo?, nandito ka pa naman nung EDSA Dos diba?–at boyfriend ni Lovi Poe–hindi siya pamilyar, wala ka na nung “sumikat” siya, pero oo, tama ang hinala mo, anak siya ni FPJ–nakasukan ng drug trafficking sa Hongkong. E nagdala ba naman ng 26.1 grams ng cocaine nung July 2010 e. Eto, nag-plead ng guilty sa Hongkong court. Actually nga daw, nagko-cocaine na talaga siya since 2004, on and off. Yung dala niya sa Hongkong, for personal consumption daw. Kinwento pa niya sa judge na na-depress daw kasi siya dahil nag-away sila ni Lovi kaya pumunta siyang Macau para mag-poker…at mag-cocaine? Ang mga mayayaman talaga, ano? Hanep makahanap ng location pang-LQ.
Anyway, ang maximum penalty ng drug trafficking sa Hongkong ay life imprisonment at multang HK$5 million (PhP28,435,646.59), at ang sentence kay Ronald ay naka-depende kung para sa kanya lang yung cocaine, o may iba pa siyang balak dun, alam mo na. Hindi ko tuloy mapigilang maghinala: kaya ba niya biglang sinabi sa judge ang kanyang detalyadong drug-dependency past, pati ang LQ niya sa girlfriend niya? O judgmental lang talaga ako, lalo sa mga politiko? E sorry, congressman kasi siya e, hindi Kagawad o Brgy. Captain o SK Chairman. Gumagawa siya ng batas, hindi basta pa-liga lang ng basketbol. Batas.
Yung isang ex-AFP chief naman dito, si Angelo Reyes–oo, siya nga, tutal lumilitaw naman lagi ang pangalan niya sa bawat administrasyon–, naakusahan na nabigyan ng at least PhP50 million bilang “pa-baon” nung nag-retire siya nung 2001. At nung kinwestiyon siya ng Senado tungkol dun, hindi siya nag-deny. Sabi lang nya, “Can I ask Colonel Rabusa [the whistleblower], if, during the time that I was chief of staff, if I became greedy? Did I ask him for anything? Did I demand money from him, officially or unofficially?” Siguro nung estudyante pa si Reyes, siya yung tipong mahabang sumagot ng essay kahit hindi naman yun ang tinatanong, no? E pinasa naman ng teacher nya, masisisi mo ba siya? Sabi ni Rebusa, tradisyon daw kasi yun sa AFP, SOP, tipong needless to say, tipong open secret. Okay din tong AFP kung manikreto at magpa-baon e no? ”Pa- baon” pa lang yung PhP50 million, paano pa kaya nung habang nasa posisyon pa siya–paano ba natin tatawagin yun, “pa-sweldo”?, “pa-kinsenas”? Magkano nga uli ang budget sa edukasyon, yung binawas nila sa budget sa UP?
So kamusta naman diyan sa Canada?
Love,
I
Filed under: In love or something like it, Lord, give me patience, yung madami, Mastercard moments, if you know what I mean, See, life ain't so bad (today at least) | Tags: canada, michael angelo, miss universe, venus raj
There were three messages on my cellphone inbox when I woke up today.
One was from our client at our P2 camera rental business. She’s a student. She informed me that the shoot scheduled for 6am today is “cancel po ung shoot namin 2m” (“our shoot tomorrow is cancelled”). She sent it at 12:33am. I read the message at 6:09am, and our caretaker Marj was already at the meeting place (the call time was 6am), wondering why there still aren’t any FEU students in Jollibee Morayta. I counted from 1 to 10, inhaled, exhaled, then sent our client an SMS message saying that I read her message just now and that she shouldn’t have assumed that I got it without getting a reply from me saying so. I composed the message with much self-control. I was very tempted to lecture her about film production ethics and sentido comon but she’s still a client, and they’re still renting from us on Tuesday. They better.
Another was from my boyfriend saying Mexico is probably doubly happy that they won the Miss Universe instead of Ms Philippines Venus Raj since they almost always lose against us and Pacquiao. He sent it at 12:09am. I like receiving messages like this from him. It makes me feel like the best friend you tell random thoughts to that other people won’t find worth listening to, like “ito listahan ng mga bibilhin ko: vit C na malaki, yung parang pandelata, damit, pantalon, medyas, iPod Touch na 32G, tsaka yung tsinelas mong Ipanema” (“here’s my to-buy list: big-sized Vit C, as big as a tin can, shirts, pants, socks, 32G iPod Touch, and your Ipanema flip-flops”). I’m not his best friend; he doesn’t tell me that I am, but he’s 30, and when you’re 30, and especially when you’re male, you’re way past the stage when you tell your best friend that she’s your best friend. When you’re 30, you just hope that she knows.
The last was from my friend from Canada. She sent it at 4am Manila time, which is around 1pm in Vancouver. She sent me a virtual hug with the URL of her latest blog post. She called it “Pools of Sorrow, Waves of Joy”. It made me smile, and I thought to myself, she’s probably already received the package that I sent, but I’m not sure why it would bring pools of sorrow. Sorrow is such a strong word, and when it comes in pools, well, it’s good to know she’s a good swimmer. I read her post, and I realized she hasn’t received the package yet. She talked about her moving out, her mom and dad, and her plans to help them out in their finances. I’m sending her virtual hugs right now. I always like reading her. She’s a great writer, and I feel like she’s really talking to (only) me when she writes. She’s my best friend, and I always tell her that. I’m only 26, you know.
When you’ve already declared that it’s going to be a great day, you’ll get an e-mail from work asking you to do some paperwork and finish it before tomorrow’s meeting at noon, and what do you do? You go on making this day the great day that you declared, and do the paperwork when the great day finally calls it a day, even if it means three o’clock in the morning. It’s called first come first served.
“Uy! Kamusta na ang baby mo? Girl ba o boy?” sabi ng isang nagbabalik na talent (huling kita ko yata sa kanya e sa Dyesebel pa, bandang 2008) sa akin sa isang taping ng isang TV show.
“Ay hindi naman po ako nanganak, hindi po ako buntis noon,” sabi ko nang nakangiting may pagtitimpi.
“Ay hindi ba?” sabay alis ni Talent.
Buti naman ate at magaling kang mag-timing kung kelan ka mag-eexit frame.#
Filed under: Lord, give me patience, yung madami
Nakakainis yung mga workers na walang work ethics, dinadaan na lang sa ganda. Mas nakakainis yung e kung wala namang ganda?
Pinakanakakainis e yung wala na ngang work ethics, wala nang ganda, tapos akalain mo, may boyfriend pa.#