Archive for the ‘In love or something like it’ Category
June 11, 2009
1 END NG SCREENING NG ISANG MAGANDANG PELIKULA SA CINEMALAYA FILM FESTIVAL, CCP LITTLE THEATER LOBBY. NIGHT.
Maraming tao, halos lahat masaya, nakangiti, parang inspired. Ininterview ako nung isang may camera at mic, ano raw ang masasabi ko sa pelikula. Sabi ko, “Maganda, maganda. Sana balang araw makagawa ako ng ganung pelikula.”
2 LOOB NG KWARTO KO, PAG-UWI, GABI.
Pag-uwi ko, pumasok agad ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw, binuksan ko ang PC, kailangan kong buksan agad ang Word.
VO (nakikita ko pa ang reflection ko sa monitor, nakatitig lang, habang hinihintay mag-load ang Word, na parang napakatagal): May nagsabi sa’kin, ang pinakamagandang kwento raw ay isunulat ng taong nagmahal, at nasaktan. Kaya, sabi niya, habang nagmamahal ka, at nasasaktan, magsulat ka. Habang masakit pa, isulat mo, habang nagmamahal ka, habang akala mo ay di ka na magmamahal at masasaktan uli ng parang ganon, magsulat ka. Dahil hindi ka na uli makakapagsulat ng parang ganon. Nakakainis, sabi ko, kasi nung pinakanagmahal ako at pinakanasaktan, hindi ako nagsulat. Nakakainis… Kaya ngayong gabi, babalikan kita. Babalikan kita kahit hindi ko alam kung magiging gaano kasakit, kung magiging masakit man, o kung magiging masakit uli, pero babalikan kita. Dahil ngayong gabi, alam ko, maisusulat ko ang pinakamagandang kwentong maisusulat ko.”
Posted in In love or something like it, Please, it's more than just a piece of celluloid | 4 Comments »
June 10, 2009
Kung may sarili man akong namimiss ko, yun yung sarili ko nung kaka-graduate ko pa lang sa UP, nung nag-eedit pa lang ako ng mga ballet recital sa Katipunan na P1000 per project na tatapusin ko ng dalawang araw pagkatapos kinabukasan, maglilibot sa Makati para magpasa ng resume na ang 2×2 picture ay ang graduation picture kong maganda ang lighting at make-up, para bang sinasabing, “oo na, fresh grad ako, oo na, ako lang ang papayag sa 10k/mo minus tax pa dahil wala pa naman akong karapatan pang mag-inarte kahit sabi ni Oble, matapang daw ako, matalino, walang takot, kahit kanino”. Read the rest of this entry ?
Posted in In love or something like it, Mastercard moments, if you know what I mean, Please, it's more than just a piece of celluloid, Today I learned not much really | 5 Comments »
March 5, 2009
Sumandali ka lang sa aking isip / ngunit hindi ka na umalis. / Maaari na ba kitang ipagtabuyan? / Gusto ko nang makaidlip.//
Posted in In love or something like it, Poetry in my definition | 2 Comments »
February 13, 2009
May kilala akong hindi pa nagkaka-boyfriend since birth. Gusto na raw niyang magka-boyfriend, yung maranasan na kapag pinagalitan siya ng boss niya e merong magsasabi sa kanyang “it’s okay” o kapag pagod na pagod siya galing trabaho e ok lang kasi may kasama naman siyang mag-dinner later with interesting conversation tungkol sa buhay, buwan at bituin. Nag-text siya sakin isang beses, “Argh, I’m the only person I know na hindi pa nagkaka-boyfriend.” Napa-dalawang-isip tuloy ako. Hindi ko alam kung hahanapan ko siya ng boyfriend, o hahanapan ko siya ng iba pang kilala kong hindi pa nagkaka-boyfriend.
May kilala akong baklang umibig sa isang lalaki. Hindi lang sa lalaki, kundi sa lalaking may asawa. At hindi lang basta umibig kundi umibig na nung manganganak na yung asawa nung lalaki, e siya pa yung nagdala sa ospital. Ngayon, over na siya, sabi niya ha. Dati daw kasi, maalala lang nya yung lalaki ay biglang mapapaiyak na lang siya kahit nagtatrabaho pa, at hindi na siya mapapatahan. Ngayon, naiiyak na lang siya kapag naririnig niya ang “I’ll Never Get Over You Getting Over Me”. Huling balita ko, ginagawan siya ng dambana sa may Scout Circle kabilang ang mga kapwa niyang martir na Boy Scouts. May bandang drum and lyre daw sa ribbon-cutting. Tutugtugin ang “I’ll Never Get Over You Getting Over Me” hanggang hindi na siya magpanggap na over na siya. Read the rest of this entry ?
Posted in In love or something like it, Mastercard moments, if you know what I mean, Today I learned not much really, We are all but punchlines | Tagged love, pag-ibig, UP | 12 Comments »
February 1, 2009
Palaging ruta ko pauwing Pasig ang isang hilera ng mga “hotel” na pinamumunuan ni Mareng Victoria in black. At kanina, paglingon ko sa mga “hotel” na iyon, may mga naglalakihang mga pulang puso na na gawa sa styro at cartolina. At isa lang ang naisip ko.
Panahon na naman ng pag-ibig, sabi nga ni Rivermaya.
Kung kailan nakakapag-isip pa rin ang mga motel ng mga special Valentine’s Day promo na para bang wala silang promo kahit normal na araw, tapos may mga kumakagat namang parang wala pa silang promo na na-avail kahit normal na araw. Kung kailan may biglang susulpot na lang sa gilid ng jeep na tindero ng rose, three roses, red rose, white rose, yellow rose, blue rose, o white rose na kinulayan ng blue o purple, baka daw kasi yun ang favorite color ni Honey, tapos kung titignan mong maigi, parang siya rin yung biglang sumulpot sa gilid ng jeep na nagtitinda ng mineral water at Doublemint nung nakaraang buwan. Kung kailan nagdadalawang-isip na si Hijo kung sasabihin na ba niya sa kanyang “mahal kita” o idadaan na lang niya sa three roses, ay isang purple rose na lang, baka masyadong mahalata, pero sana favorite color nya yun. Read the rest of this entry ?
Posted in In love or something like it | Tagged pag-ibig | Leave a Comment »
January 30, 2009
Di ko inakala na makakapunta ako sa Greece. Pero dahil mabait si God at si Direk Joyce Bernal (pati sina Ayrin, Marian Rivera at Tatay Joe, na nag-donate sa “Oplan: Isabit si Tonet sa Byaheng Greece”), paggising ko mula sa pagkahaba-habang flight, andun na ‘ko sa Santorini bilang sabit na script continuity para sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema. Sa totoo lang, hindi ganun kasaya ang karanasan sa Greece, pero nung tumigil nang mag-roll ang camera (na tilt at pan lang ang movement, dahil wala kaming dolly o mini-jib, sorry na, indie shoot lang, Greece yun e), dun nag-umpisang humiwaga ang Greece.
Tulad nung last day ng shooting at nagpaiwan kami ni Ayrin sa Oia kahit hindi namin alam kung paano kami makakabalik sa apartment dahil wala nang service at mahal naman ang taxi. Pero nagkwentuhan pa rin kami sa isa sa mga restaurants dun, umorder ng masarap na cake, kumain nang wala nang kunsumisyon dahil sa pelikula, tumingin sa Aegean Sea, hanapin ang nawawalang buwan, at bumuntung-hininga, sabay sabing, syet nasa Greece tayo, syet kumakain tayo ng cake sa Greece, syet tapos na ang pelikula, syet nasa harap natin ang Aegean Sea, syet paano tayo uuwi. Pero dahil sa hiwaga ng Santorini kapag tapos na ang shooting, nakauwi naman kami sa paraang napaka-Pinoy. Lakad. Alay-lakad.
Na sa sobrang layo, napagkwentuhan namin ang buhay-TV, Marimar, Dyesebel, si ganito, si ganun, ang ano, ang ano pa, na mga bagay na pinag-uusapan naman namin dati pero parang nun pa lang namin pinag-uusapan, na parang bago pa lang. Pag-uwi namin, may pa-last day party ang isang Pinoy dun. At kami ay naglasing-lasingan nina Direk Joyce, Ayrin at KC Concepcion habang kumakanta ng Linger, You Oughtta Know at God Bless the Broken Road. Sino’ng mag-aakala na isang araw ay makakanta ko si Alanis sa Santorini? Kahit maling akala, wala.
Read the rest of this entry ?
Posted in In love or something like it, Mastercard moments, if you know what I mean, See, life ain't so bad (today at least), Thankful for Work Nonetheless, Today I learned not much really | Tagged buddy zabala, concert, eheads, ely buendia, eraserheads, love, marcus adoro, raimund marasigan, short films, tattoo | 3 Comments »
January 30, 2009
Kung itetext ng post-2008 sarili ko ang pre-2008 sarili ko, ang irereply siguro ng pre-2008 sarili ko ay: “hu u?”
Aminado naman ako, na binago ako ng 2008. Yung tipong pagbabago na nangyari na lang, yung hindi na inisip, yung bago ka pa nagka-wisyong isipin e andun na yung pagbabago, yung tipong pagbabagong pati sarili mo ay ginulat mo, tapos sa dulo hindi naman pala masyadong kagulat-gulat, medyo lang.
At yun pala ang pinakamasarap na pagbabago. Yung inaakap na lang.
Nagtapos nung 2008 ang Marimar at nag-umpisa naman ang Dyesebel. Mga TV show lang sila, pero binago nila ang mga paniniwala at pananaw ko. Na okey lang pala hindi masyadong seryosohin ang mga bagay-bagay. Na okey lang pala sumubok ng bago. Na okey lang pala magkamali, bakit sino bang nagbibilang? Na okey lang pala magdesisyon nang di pinapaputi ang buhok sa kakaisip nang malalim. Na okey lang magdesisyon nang tatlong segundo lang pinag-isipan, tapos kung mali pala ang desisyon, okey lang pala, bakit, perfect ka? Na okey lang pala. Okey lang. (TV show pa lang sila ng lagay na yan a, e pano pa kaya kung nag-anyong tao pa sila? Actually, parang okey lang.) Read the rest of this entry ?
Posted in In love or something like it, Mastercard moments, if you know what I mean, Thankful for Work Nonetheless, Today I learned not much really | Tagged acropolis, athens, coron, dyesebel, greece, joyce bernal, palawan, santorini, tattoo, travel | Leave a Comment »
November 24, 2008
“May boyfriend ka ba?” tanong sakin ng isang ka-trabaho.
“Oo,” sagot ko, na parang close kami.
At nag-follow up question siya ng isang nakaka-tiwang na follow-up question, “Showbiz o non-showbiz?”
Ha? Ano? Ano daw?, sabi ko sa sarili kong ka-close ko.
Sa sobrang pagka-tiwang ko sa tanong niya, hindi pala kinaya ng sarili kong sa sarili ko lang sabihin ang Ha? Ano? Ano daw?. Napalakas pala.
“Ang tanong ko, kung showbiz o non-showbiz yung boyfriend mo,” paglilinaw ni Ka-Trabaho.
Natahimik ako. Hindi ko na kinayang sabihin ng malakas na “oo, narinig ko, pero kahit 345,786x mo ulitin ang tanong mo, hindi pa rin kita gets”, pero magaling pala pumick-up ang mukha ko ng emosyong kailangan. Na-gets ni Ka-Trabaho ang pagka-tuliro ko kahit walang dialogue.
“Yung girlfriend ko kasi, showbiz rin,” sabi niya.
Medyo naka-recover na ako sa role kong pipi-pipihan. “Ah talaga? Artista?”
“Hindi,” pagpapaliwanag ni Ka-Trabaho, ”PA (production assistant) siya sa [isang primetime show sa GMA].”
Ahhhhhhh. At pinigil ng sound effects “nyenk nyonk nyenk” na lumabas sa aking bibig.
Good for you. Nawa ay hindi mabuwag ng intriga ang inyong love team.#
Posted in In love or something like it, We are all but punchlines | Tagged showbiz | 2 Comments »
November 17, 2008
Bigyan mo ako ng abiso
kapag mawawala ka na
upang mapaniwala ko na
ang sarili kong
hindi na kita mahal
pala.
Posted in In love or something like it, Poetry in my definition | Tagged love, poetry | Leave a Comment »
November 15, 2008
Matagal nang mahal ni Dino si Issa. At ngayong gabi, sa wakas, sasabihin na niya sa kanya. Bago pa man sila magkita, pinaglamayan na ni Dino ang pag-iisip sa kanyang sasabihin at kung paano niya sasabihin ang simpleng “mahal kita”. Hindi natin siya masisisi. Hindi madaling sabihin yun sa babaeng halos apat na taon na niyang mahal, na nagkataon ay “best friend” (kung anuman ang ibig sabihin nun) pa niya. Kaya kinailangan niyang isulat sa papel, magbura, magdagdag, magsulat uli, basahin ng malakas, at basahin muli. Hanggang alam na niya kung ano at paano sasabihin ang simpleng “mahal kita”.
Kinabukasan, dumating na ang gabing pinagkahandaan at pinagkapuyatan ni Dino. Nag-aabang na siya sa Sunken Garden nang mula sa malayo pa lang ay nakita na niya si Issa na paparating. Papalapit sa kanya, nakangiti. At nakangiti rin niyang sinundan ng tingin habang pinapraktis pa rin sa utak ang mahabang naisulat niya kagabi. Na para kay Issa na ngayo’y nakaupo na sa tabi niya.
“O, ano na yung sasabihin mo?” tanong ni Issa.
At si Dino, napatingin lang.
Wala siyang nasabi.#
*photo courtesy of http://farm3.static.flickr.com/
Posted in In love or something like it, We are all but punchlines | Tagged love, UP | Leave a Comment »