Filed under: In love or something like it | Tags: michael angelo, pag-ibig
Hindi kasi masalita si Michael. Paborito nyang reply sa mga mahahaba’t makabagbag-damdamin kong text ay: “Ahhhh”. At nung nagsabog si Bathala ng kalambingan, nakatulog siya, napuyat dahil inumaga sa pila ng pagka-”too cool to care”.
Kinalikot ko ang Drafts folder sa celfone nya nung isang araw. Sa paligid ng mga URL ng mga websites ng ida-download nyang mga Naruto episodes, among other male things, may mga nabasa ako’t napangiti ako, at napabuntung-hininga.
Kaya pala sa tuwing magtataxi ako pauwi, hindi siya bibitaw ng tingin hanggang makaalis ako, sabay kuha ng celfone at may itetext. Matatanggap ko agad ang: “Ingat ka” o “Magtext ka pag-uwi mo.” Pero bukod dun, may iba pa pala siyang itina-type:
THY346, TWG698, TTY234, TRV976, TGX786, at iba pa, ang dami.
Ang sarap pala talaga masorpresa.
And I said,/ what about/ being pikon and nagtataas ng boses kapag hindi magkaintindihan?/ He said, I/ think I/ remember those things,/ and as I recall,/ I think,/ we both don’t like it,/ and I said, Well,/ that’s two things we’ve got.//
Filed under: We are all but punchlines | Tags: joss stone, mtv, music, myx, youth
Joss Stone’s Super Duper Love is playing on MYX now. . .on a segment called “Backtrax”. It’s their version of MTV Classic.
Yeah.
Filed under: Please, it's more than just a piece of celluloid | Tags: hypochondria, pelikula, script

Hypochondria ba yung sa sobrang pag-iisip mo sa sinusulat mong script e sumasakit na talaga ang ulo mo nang totoo? Ay hindi, hypochondria yung siguradong-sigurado ka na may ganito kang sakit, pero wala naman, feeling mo lang. Kapag sumasakit ang ulo nang dahil sa kakaisip sa script? May tawag diyan e.
Arte-arte.