Filed under: Uncategorized (really)
I’m in the middle of writing a script for another director, and the end is not in sight. Tamo, nakuha ko pang kumanta.
Filed under: I'm channeling Brian Andreas, who's he?, you ask, and I figured you've been missing half of your life, In love or something like it, Poetry in my definition | Tags: brian andreas, michael angelo, pag-ibig, poetry
the millisecond before her feet touched the ground, she fell in love, & she’s never touched the ground again since, it’s been almost 3 years
Filed under: Uncategorized (really)
Travel. Write. Dance. Get drunk. Just say yes. Wear dresses as comfortably as you wear sneakers. Leave your house wanting to watch a movie but go home with a new tattoo instead. Buy yourself an expensive pair of shoes without guilt. Book that flight without thinking if you’ll be allowed a leave. Take that call from an unknown number. Paint; paint again. Stop cursing. Try. Pray. Pray every day. At magpapayat ka teh, plis lang!
I don’t remember vigorously claiming at the end of 2010 that 2011 was going to be my year, but indeed it was. 2011 was mine, and I didn’t even ask for it. Thank you Bathala for answering my prayers from years ago that I’ve forgotten about.
So I’ll try my luck again this year: 2012? It ain’t mine. Take it, it’s yours.
Filed under: In love or something like it | Tags: michael angelo, pag-ibig
Hindi kasi masalita si Michael. Paborito nyang reply sa mga mahahaba’t makabagbag-damdamin kong text ay: “Ahhhh”. At nung nagsabog si Bathala ng kalambingan, nakatulog siya, napuyat dahil inumaga sa pila ng pagka-”too cool to care”.
Kinalikot ko ang Drafts folder sa celfone nya nung isang araw. Sa paligid ng mga URL ng mga websites ng ida-download nyang mga Naruto episodes, among other male things, may mga nabasa ako’t napangiti ako, at napabuntung-hininga.
Kaya pala sa tuwing magtataxi ako pauwi, hindi siya bibitaw ng tingin hanggang makaalis ako, sabay kuha ng celfone at may itetext. Matatanggap ko agad ang: “Ingat ka” o “Magtext ka pag-uwi mo.” Pero bukod dun, may iba pa pala siyang itina-type:
THY346, TWG698, TTY234, TRV976, TGX786, at iba pa, ang dami.
Ang sarap pala talaga masorpresa.
And I said,/ what about/ being pikon and nagtataas ng boses kapag hindi magkaintindihan?/ He said, I/ think I/ remember those things,/ and as I recall,/ I think,/ we both don’t like it,/ and I said, Well,/ that’s two things we’ve got.//
Filed under: We are all but punchlines | Tags: joss stone, mtv, music, myx, youth
Joss Stone’s Super Duper Love is playing on MYX now. . .on a segment called “Backtrax”. It’s their version of MTV Classic.
Yeah.
Filed under: Please, it's more than just a piece of celluloid | Tags: hypochondria, pelikula, script

Hypochondria ba yung sa sobrang pag-iisip mo sa sinusulat mong script e sumasakit na talaga ang ulo mo nang totoo? Ay hindi, hypochondria yung siguradong-sigurado ka na may ganito kang sakit, pero wala naman, feeling mo lang. Kapag sumasakit ang ulo nang dahil sa kakaisip sa script? May tawag diyan e.
Arte-arte.
Yung mga ganitong mga salita, ganyang-ganyan yung mga kinahumalingan ko noong college hanggang kaka-graduate ko pa lang sa UP. Alam mo yun eh, yung mga panahong akala mo e kaya mong baguhin ang mundo kasi sabi ng mga pinakanirerespeto mong mga guro e “brilliant” ka raw , e nanggatong pa ng “brilliant ka nga talaga” ang mga pinakamalalapit mong kaibigan, na alam mong hindi ka binobola, kasi sus, nakasama mo nga sila sa loob ng 48 oras nang di naliligo matapos lang ang tisis nyo, maglolokohan pa ba kayo?, kahit na sa likod ng utak mo, iniisip mong, syet, ang big word naman ng “brilliant” pero parang ang dali naman bitawan nun, isang dosenang paligong bilis lang ang nilamang ng pagbitaw sa “putang ina”, pero hindi mo na iisipin yun, don’t rain on my parade no, please, at ako pa ang magpapa-rain? Neknek mo.
Pero nung nabasa ko ito, alam kong kailangan kong itago. Limang taon na akong wala sa UP, kung saan ko unang narinig ang “brilliant”, kung saan ko unang dinesisyunang magiging direktor ako balang araw, kung saan ko unang ginustong baguhin ang mundo kasama ng mga kaibigan kong ganoon din ang pakay. Hindi ko pa rin nababago ang mundo, kahit mga kaibigan ko, hindi pa rin nababago ang mundo. Kasi kapag 27 ka na, minsan kahit 25 pa lang nga, e lalo siguro kapag 30 ka na, dalawa lang yan eh: (1) sigurado ka nang hindi mo na mababago ang mundo, hello, nababaliw ka na ba?, o madalas, (2) nakalimutan mo nang, ay oo nga pala, gusto mo nga pala dating baguhin ang mundo.
Kaya siguro nga, kailangan ko itong itago. Alam ko nang hindi ko talaga mababago ang mundo, hello, nababaliw na ba ‘ko?, pero yung mga ganitong salita, nakaka-miss diba?, na ang sarap-sarap maniwala. . .uli. Kunsabagay, limang taon pa lang naman.
Limang taon pa lang ba? Sus, alang-alala ko pa.
Naka-pinta ito sa dingding ng bahay ng kaibigan ko. Nasa bandang taas, malapit na sa kisame, para kailangan mong tingalain itong isa sa mga bilin sa atin ng Eraserheads.
Aba Ely, sa dinami-rami ng mga bagay na kinatatakutan ko, ehem, in fairness to me, ang umibig o ang lumuha nang dahil sa pag-ibig ay hindi isa sa mga iyon.

