Filed under: Uncategorized (really) | Tags: 2012, 24 oras, cctv, corruption, earthquake, end of the world, GMA, gma7, impeachment, japan, malate, merceditas gutierrez, mike enriquez, news, ombudsman, shopls, tsunami, tv patrol, vicky morales
As Mike Enriquez reports on the 8.9-magnitude earthquake and the resulting tsunami that hit Japan with much fervor and intensity, it’s hard not to notice how calm and composed Japan’s local news crews are as they fill us in on the massive earthquake and tsunami that left 900 dead and 700 missing, as of press time. Wait, Enriquez and the Japanese reporters are talking about the same earthquake and tsunami, right? E bakit parang dito, end of the world na ’yung dating sa pagka-report ni Mike Enriquez? Naabisuhan mo na ba ang mga Hapon, sir Mike? E alangan namang mas mauna pa tumama ang end of the world dito.
Then shortly after, Enriquez reports on the two impeachment cases facing Ombudsman Merceditas Gutierrez and the shoplifters in a computer shop in Malate caught on CCTV with the same fervor and intensity. Ah, eh baka dito nga unang tatama ang end of the world. Sorry naman Japan, false alarm.
Filed under: Lord, give me patience, yung madami
Nagpa-peel ako ng mukha nung January dahil kahit di man artista (sa Korea) e lahat ay may karapatang mangarap na mawala o lumiit man lang ang pores. Pagkatapos ng dalawang buwan, nagpi-peel pa rin ang ilang parte ng mukha ko. May mga additional layers ba ang balat natin sa mukha na hindi naturo ng Biology teacher ko, o makapal lang talaga mukha ko?
* * *
Tinext ko si Ateng taga-driving school, baka pwedeng i-move yung Day 3 schedule ko kinabukasan na 6 to 8pm nang mas maaga dahil may bigla akong pupuntahan sa gabi. Alam kong may pinirmahan akong conforme na kung sakaling gustong magpalit ng schedule e dapat two days before ang abiso, pero bakit nung Day 1 e tinawagan ako ni Ate na kung pwede daw ba i-move ang Day 2 schedule ko bukas to 9 to 11am imbes na 10am to 12nn. Umoo ako kahit bukas na yun–hindi pasok sa two-days-before rule. Kaya kung pwede sana, kung pwede lang naman, e itanong nya sa boss nya kung pwedeng i-move ang sked ko. You know, returning the favor, kung hindi man hello, kliyente po ako, at mabait pa ha.
Aba, nag-reply si Ate: “Gudpm po.dayoff ko po ngaun.dko po alam kung pwd imove.tnx po.”
Anak ng! So kasalanan ko na day-off mo teh? So ako ang mag-aadjust? Hintayin ko na matapos ang day-off mo tapos saka ko lang pwede malaman kung pwede i-move? E bukas na kaya yung schedule ko!
Nag-reply si Ate: “Sori po mam.cge po uuwi npo ako.tnungin kpo.”
Sorry naman teh, nasira ko ba ang date mo? Hiyang-hiya naman ako sa’yo.
Ang ending, hindi na-move ang schedule ko. You know, ah kliyente ka?, ah the customer is always right? E sinira mo lakad ko e, kaya nek-nek mo! At oo, inaamin ko, pina-move ko ang sked namin ng drive nyo kahit short notice yun, pero bakit, may pinirmahan ba akong conforme galing sa’yo na dapat two days before ang pagpalit namin ng schedule?
Okay, fine, fine. Panalo na kayo Ate, sampu ng mga boss mo sa driving school nyong walang isang salita. Pinatatawad ko na kayo. Wag ko lang kayong makikitang tumatawid sa harap ko, baka sagasaan ko kayo at i-parallel parking. E sorry, turo n’yo yan e.
* * *
Ang liit ng busina ng aking oto! Parang busina ng pandesal! Yung tipong kapag bumusina ako e pusa lang ang matatakot, e pano kung di pa siya matatakutin?! Tinanong ko yung auto dealer kung ganun ba talaga kaliit ang busina nung oto. E ganun daw talaga; yun daw kasi ang standard sa Japan. Kamusta kaya kapag heavy traffic sa Japan no? Galit na galit ka na na hindi umaandar ang traffic, umuusok na ilong mo kasi late ka na, pero yung busina mo, poot poot! Poot poot!