Archive for February, 2009

h1

Sa bawat departure, may arrival, tanong mo pa sa airport

February 22, 2009

Nasa departure area kami nun ng NAIA, papuntang Santorini, Greece para sa shooting ng For the First Time. Ang dala ko, dalawang malaking bag lang. Hindi rin ako malungkot. E isang linggo lang naman kami sa Greece, alam kong babalik ako. Wala ring kapamilya o kaibigang naghatid sakin papuntang airport, mga staff at crew lang ang kasama ko.

Pero sa paligid ko, ang dami-daming malalaking bag, na nakalagay pa sa mga pushcart, yung alam mong yung pag-impake nila e hindi lang sila isang linggong mawawala. Tapos andaming nag-iiyakan, andaming nagyayakapan, andaming nagpapaalaman, yung parang hindi nila alam kung kelan pa uli babalik yung isa. Nanay sa anak. Anak sa magulang. Asawa sa asawa. Boyfriend sa girlfriend. Iiwan sa mang-iiwan.

Tinext ko si Ethel na ang tatay ay OFW sa Saudi, na minsan lang sa isang taon kung makauwi: “Ganito pala kalungkot sa departure area. Walang kasing lungkot.”

At ang sagot niya: “Isipin mo na lang kung gaano kasaya yung arrivals area.”

Ngayong taon, nasa arrivals area si Ethel.#

h1

Pa-order nga po ng pag-ibig, with extra cheese, willing to wait

February 13, 2009

May kilala akong hindi pa nagkaka-boyfriend since birth. Gusto na raw niyang magka-boyfriend, yung maranasan na kapag pinagalitan siya ng boss niya e merong magsasabi sa kanyang “it’s okay” o kapag pagod na pagod siya galing trabaho e ok lang kasi may kasama naman siyang mag-dinner later with interesting conversation tungkol sa buhay, buwan at bituin. Nag-text siya sakin isang beses, “Argh, I’m the only person I know na hindi pa nagkaka-boyfriend.” Napa-dalawang-isip tuloy ako. Hindi ko alam kung hahanapan ko siya ng boyfriend, o hahanapan ko siya ng iba pang kilala kong hindi pa nagkaka-boyfriend.

May kilala akong baklang umibig sa isang lalaki. Hindi lang sa lalaki, kundi sa lalaking may asawa. At hindi lang basta umibig kundi umibig na nung manganganak na yung asawa nung lalaki, e siya pa yung nagdala sa ospital. Ngayon, over na siya, sabi niya ha. Dati daw kasi, maalala lang nya yung lalaki ay biglang mapapaiyak na lang siya kahit nagtatrabaho pa, at hindi na siya mapapatahan. Ngayon, naiiyak na lang siya kapag naririnig niya ang “I’ll Never Get Over You Getting Over Me”. Huling balita ko, ginagawan siya ng dambana sa may Scout Circle kabilang ang mga kapwa niyang martir na Boy Scouts. May bandang drum and lyre daw sa ribbon-cutting. Tutugtugin ang “I’ll Never Get Over You Getting Over Me” hanggang hindi na siya magpanggap na over na siya. Read the rest of this entry ?

h1

Sabado daw ang Valentine’s Day, at Biyernes naman ay sweldo

February 1, 2009

Palaging ruta ko pauwing Pasig ang isang hilera ng mga “hotel” na pinamumunuan ni Mareng Victoria in black. At kanina, paglingon ko sa mga “hotel” na iyon, may mga naglalakihang mga pulang puso na na gawa sa styro at cartolina. At isa lang ang naisip ko.

Panahon na naman ng pag-ibig, sabi nga ni Rivermaya.

heart_shaped_forestKung kailan nakakapag-isip pa rin ang mga motel ng mga special Valentine’s Day promo na para bang wala silang promo kahit normal na araw, tapos may mga kumakagat namang parang wala pa silang promo na na-avail kahit normal na araw. Kung kailan may biglang susulpot na lang sa gilid ng jeep na tindero ng rose, three roses, red rose, white rose, yellow rose, blue rose, o white rose na kinulayan ng blue o purple, baka daw kasi yun ang favorite color ni Honey, tapos kung titignan mong maigi, parang siya rin yung biglang sumulpot sa gilid ng jeep na nagtitinda ng mineral water at Doublemint nung nakaraang buwan. Kung kailan nagdadalawang-isip na si Hijo kung sasabihin na ba niya sa kanyang “mahal kita” o idadaan na lang niya sa three roses, ay isang purple rose na lang, baka masyadong mahalata, pero sana favorite color nya yun. Read the rest of this entry ?