Ang kagagahan, walang pinipiling edad. Ang pagka-inis sa sarili dahil sa kagagahang yun, yun ang may pagka-choosy.
Nung ten ako, nag-volunteer akong bantayan ang sari-sari store namin. Pakiramdam ko, kahera ako sa SM na magaling sa math. May bumiling mama, magkano raw yung Ligo na sardinas. Tinignan ko yung de lata; walang nakasulat na presyo. Tinignan ko yung mga papel sa gilid; wala ring price list. Tinignan ko hanggang dulo ng utak ko; bobo rin siya sa presyong sardinas. Dahil kahera-kaherahan ng SM ako, sinabi ko sa sarili ko: alam mo dapat ang presyo, wag ka magtanong, nakakahiya. Na-peer pressure ako ng aking utak, at ayun, nagpaka-matalino ako kahit wala akong ideya kung magkano ang isang Ligo. “Dalawang piso po ang isa.” Nung nakita kong nagulat ang kunot na noo nung mama, alam ko nang may mali sa sinabi ko-at na mas matalino yung mama kaysa sakin. “Sige, bibilhin ko lahat.” At naiyak na lang ang nanay ko nung nalamang naubos ang sardinas namin sa halagang P24 lang. Pasensya, ten years old lang. Chikadees at Bazooka po ang specialty ko, hindi kumplikadong mga bilihin. Read the rest of this entry ?
