Archive for August, 2008

h1

Eheads Reunion

August 30, 2008

Hindi ko alam kung paano ko ito isusulat nang hindi ako napapatulala. Hindi ko alam.

Nagsimula ang countdown sa 10:00. Ang tagal pala ng sampung minuto, bakit kapag nag-su-snooze ako ng alarm, parang five minutes lang? Nung dumating na sa wakas ang 1:00, ang pakiramdam ko e parang yung itinataas ako sa Space Shuttle at hinihintay ko na lang yung hudyat na mahuhulog na ‘ko. Ang lamig sa katawan, parang umabnormal yung heartbeat ko, kung may heartbeat pa ako. (Kung wala na, may mga medical team naman daw na nakapaligid sabi ni Announcer for the nth time.)

At natapos ang isang minuto, at nagsimula ang maiksing picture montage. At biglang narinig ko ang introng pamilyar–ten ten ten ten tenetenten ten ten ten ten tenenenten maaay. At nagliwanag ang stage. At lumabas silang apat. At nakita ko si Ely. At nakita ko sila.

Ang Eraserheads.

At ako? Ako ay nawala.

Hindi ko inakalang ganun pala ang pakiramdam. Higit pa sa inakala kong saya. Higit pa sa inakala kong pagtalon. Sa inakala kong pagsigaw. Sa inakala kong paghabol sa hininga. Sa inakala kong pagsabay sa kanta. May tamang salita dyan. Suryal.

At mula dun, hindi na ako naalis sa ka-suryalan–mula Alapaap hanggang Sembreak hanggang Huwag Mo Nang Itanong hanggang Ligaya hanggang Kailan hanggang Hey Jay hanggang Toyang hanggang mga kantang hindi ko alam ang buong lyrics.

Sabhin mo sa akin: Gaano kasarap marinig ang Alapaap na kantahin nang sabay-sabay ng libu-libong mga tao na parang isinulat yun ni Ely para sa bawat isa satin? O ang Kailan sabay taas ng kamay nang pakanan at pakaliwa? Gaano kasarap kantahin ang With a Smile kasabay si Ely habang nakangiti dahil may naaalala? O ang paghaya kay Ely na kantahin ang “naaalala kita pag umuulan” dahil alam mong hahayaan ka niyang kantahin ang “sembreak”? O ang Toyang habang sumisigaw ng “pero pero pero malinis ‘to / pati sa kusina” nang buong gilit sa leeg? Gaano kasarap kantahin ang Harana habang tumatalon kasabay ang katabi mong hindi mo naman kilala? O  ang pumalakpak sa dulo ng bawat kanta na tunog-”maraming, maraming salamat” na totoong galing sa puso? Gaano kasarap? Walang kasing-sarap.

At ngayon, napapatulala na naman ako. At hindi pa rin makapaniwala.

Pasensya na, kung ako ay naluluha, mababaw lang talaga ang luha ko.

Kung kinanta rin sana nila ang Minsan (maiiyak ako, lalo sa “minsan tayo ay naging / tunay na / magkaibigan”, dahil para sa inyo yun, Ely) at Para sa Masa (maiiyak ako, dahil para sa amin yun, lalo na sa “naaalala nyo pa ba / binigyan namin kayo ng ligaya?”, dahil hindi ako makakalimot, Ely), baka hindi ko na matapos ito.

At pagdating ng araw na maririnig kong kantahin at tugtugin nina Ely, Raimund, Markus at Buddy iyon sa harap ko, kasama uli ang libo-libo mga taong kilala at hindi ko kilala, hindi ko mapapangako na malalaman ko na nun kung paano isulat yun nang hindi napapatulala.

Ganun nga siguro kapag pinipilit mong isulat nang tunay ang isang bagay na suryal.

Hindi ka nagtatagumpay.#

h1

Para sa (Eheads) Masa

August 29, 2008

Ito ay para sa mga masa
sa lahat ng fans ni Ely Buendia
sa lahat ng aabsent sa trabaho’t eskwela
sa lahat ng na-inspire magkabanda
sa lahat ng nangutang pa ng pera
sa lahat ng may gulanit na mga album nila
sa lahat ng nagalit sa DOH tangna nila
sa lahat ng sumuko’t hindi na umasa
sa lahat ng may problema pa rin sa pera
sa lahat ng masa.
sa lahat ng masa.

h1

Eheads

August 29, 2008

Iniisip ko pa lang kung paano nila kakantahin ang Para Sa Masa (“Naaalala nyo pa / binigyan namin kayo ng ligaya? / …Mapapatawad mo ba ako / kung hindi ko sinunod ang gusto nyo?”) at Minsan (“At kung ikaw ay mapadaan / baka / ikaw ay aking tawagan / dahil minsan tayo ay naging / tunay na / magkaibigan”), naiiyak na ako.

Naiiyak na ako.

h1

Gaga lang

August 22, 2008

Ang kagagahan, walang pinipiling edad. Ang pagka-inis sa sarili dahil sa kagagahang yun, yun ang may pagka-choosy.

Nung ten ako, nag-volunteer akong bantayan ang sari-sari store namin. Pakiramdam ko, kahera ako sa SM na magaling sa math. May bumiling mama, magkano raw yung Ligo na sardinas. Tinignan ko yung de lata; walang nakasulat na presyo. Tinignan ko yung mga papel sa gilid; wala ring price list. Tinignan ko hanggang dulo ng utak ko; bobo rin siya sa presyong sardinas. Dahil kahera-kaherahan ng SM ako, sinabi ko sa sarili ko: alam mo dapat ang presyo, wag ka magtanong, nakakahiya. Na-peer pressure ako ng aking utak, at ayun, nagpaka-matalino ako kahit wala akong ideya kung magkano ang isang Ligo. “Dalawang piso po ang isa.” Nung nakita kong nagulat ang kunot na noo nung mama, alam ko nang may mali sa sinabi ko-at na mas matalino yung mama kaysa sakin. “Sige, bibilhin ko lahat.” At naiyak na lang ang nanay ko nung nalamang naubos ang sardinas namin sa halagang P24 lang. Pasensya, ten years old lang. Chikadees at Bazooka po ang specialty ko, hindi kumplikadong mga bilihin. Read the rest of this entry ?

h1

Friends

August 21, 2008

May kaibigan akong nagpa-tato. Tinanong ko siya kung masakit ba. Tinanong din niya ako: Malungkot ka ba? Kasi kung malungkot daw ako o nasasaktan, hindi masakit, hindi ako masasaktan. Kaya nung nagpa-tato ako, hindi pala masakit, sabi niya. Tinanong niya ako kung kelan ko gusto magpa-tato, sabihan ko raw siya. Magpapa-tato raw siya ulit. Ang hindi ko alam ay kung ngayon, masasaktan na siya.

May kaibigan akong tumawag sa’kin isang mapayapang hapon. Nung sinagot ko ang cellphone, narinig ko siya sa kabilang linya, umiiyak. Ang dami niyang sinasabi, pero ang naintindihan ko lang: Niloko niya ko, niloko niya ko. Sabi ko: Ha? Ano? Ipinaliwanag niya, ang dami niya uling sinabi, pero ang naintindihan ko lang uli: Niloko niya ko. At yun lang yata ang kailangan kong maintindihan. Sabi ko sa kanya, ilang beses na siyang nasaktan nun. Itigil na niya. Umalis na siya, para naman sa sarili niya. Sabi niya, oo nga raw, sawa na siya, sobra na siyang nasaktan. Binaba niya ang teleponong galit at umiiyak pa rin. Pagkatapos ng tatlong linggo, sila na ulit. Read the rest of this entry ?

h1

Swimming Lessons

August 10, 2008

Grade 1 ako nung nag-swimming lessons ako sa Milo Sports Clinic sa Ultra (na ngayo’y Philsports Arena). Hindi ako natutong mag-swimming. Pagkalipas ng anim na taon, habang nagtatampisaw ako sa isang 7-ft deep na swimming pool sa Laguna, muntik na akong malunod nung dumulas sa kamay ko ang gamit kong salbabida. Doon ako unang natutong mag-swimming. (Hindi ko na maalala kung freestyle ba yun o bobbing.Ang naaalala ko lang ay tubig at madaming bubbles sa mukha koButi na lang wala pang liwanag mula satunnel.) May mga bagay talaga na hindi kailangang ituro sayo para matutunan mo. Tulad ng kung gaano nakakahiyang malunod sa isang mababaw naswimming pool na may gamit na salbabida.

Grade 3 ako nung nag-singing lessons ako sa Center for Pop Music Philippines nung bumisita sila sa eskwelahan namin isang summer. Sabi ni Teacher, ang tamang pagkanta daw ay ang kumanta galing sa diaphragm, hindi galing sa throat. Kinanta ko nun yung The Greatest Love of All at My Favorite Things galing sa diaphragm; naabot ko naman. Pero pagkatapos ng labing-dalawang taon, kinanta ko ang Alone ni Heart,Luha ng Aegis at You Oughtta Know ni Alanis sa videoke galing sa ikabuturan ngbroken heart at esophagus ko, at laging above 90 (You’re a Good Singer!) ang iskor ko. May mga kanta talagang dina-diaphragm, tino-throat at ini-esophagus. At may mga kantang iniiyak na lang, sabay next song please. Read the rest of this entry ?

h1

At your own pace

August 8, 2008

Production assistant ako nun sa shoot ng Head&Shoulders TVC. May isang lalaking naka-simpleng tshirt at tsinenas na mahaba at magulo ang buhok ang lumalapit sa kamera. Nagtatanong sa amin tungkol sa ilaw, sa anggulo ng kamera at iba pang ka-teknikalan. Hindi naman siya parte ng production staff namin, at lalong hindi siya crew, pero mukhang interesado talaga siya. Nung kinausap ko siya, nalaman kong siya pala ang ex-President ng dati kong film org sa UP Fine Arts na siyang nag-organize ng unang Inyorai Bidyo Film Festival (na unang nagparamdam sa’kin na may dulot ang pag-shift ko sa Film: Doon unang na-nominate ang unang short film ko bilang Best Short Film at Best Director. Nung una kong nalaman yun sa email, naluha ako). Napatigil agad ako. Bilang pagpupugay, tinawag ko siyang Ser Tom.

Tinanong ko si Ser Tom kung anong ginagawa niya dun. Taga-ahensiya pala siya, yung nag-conceptualize ng TVC na iyon. Hindi ako makapaniwala. Ang mga taga-ahensiya kasi, karaniwang naka-posturang gayak at doon sa de-aircon na standby area lang lumalagi. Sabi niya, nami-miss na raw niyang gumawa ng pelikula. Bakit hindi ka gumawa? sabi ko. Sabi niya, hindi raw niya alam. Nakakalunod daw ang trabaho na parang nawala na yung dating tulak. Sayang naman po, sabi ko. Nung matapos na ang TVC, wala na akong narinig muli kay Ser Tom.

Limang buwan pagkatapos, sa ika-19 Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula at Bidyo, nariing ko na lang, ang ikalawang gantimpala para sa Animation Category, napunta kay Ser Tom.#

h1

Selos

August 7, 2008

Minamahal ka raw niya
mula ulo hanggang paa.
E kung pilayin kaya kita?

h1

Saudi gold

August 6, 2008

May dumating na isang talent (o extra, tawag natin) sa shooting ng For the First Time na punung-puno ng alahas ang katawan na tipong Saudi gold at pekeng silver. May dalawang kwintas na may malaking palawit, hikaw na de-dyamante sa isang tenga, maraming bracelet na kadena, singsing na halos bawat daliri sa bawat kamay (parang Pritos Ring lang). (Hindi ko nga lang na-check kung may tongue ring at belly ring siya.)

Tinanong namin siya, “Kuya, bakit ang dami mong suot na alahas?”

Sagot ni Kuya, “E kasi ang sabi sakin, ang role ko daw, mayaman.”#

h1

The problem with waiting

August 5, 2008

He waits for her at the end of the road
without realizing
she never started to walk.